Marahan ang bawat hakbang ni Yna nang lumabas ng kwarto. Nagkubli siya para pakinggan ang asawa na mahina ang boses habang nasa kusina. "Samantha," rinig niya ang boses nitong tila sinasaway ang babae. "May asawa na ako," kahit kinakabahan ay napangiti siya sa panindigan ng asawa. Tumalikod si Prim at gigil na hinawakan ang cellphone. "So, what?" "Engineer Prim, iyon ang gusto ko. Exciting 'di ba?" "Samantha-" "Isang tanong lang, Engineer. Do you like me or not?" Nakangiting dumekwatro si Samantha at tiningan ang sarili sa salamin. "Kapag hindi, maghahanap ako ng iba. And I'm telling you, kapag inayawan mo na ako. Hindi na ako babalik sa iyo." Natigilan si Prim. Dahil natahimik ang asawa ay sinilip ni Yna si Prim at kitang-kita niya ang mariin nitong paghawak sa silya. "Ano kaya

