*CHAPTER 28* "Oh my God! Oh my God! Oh my God! This is the day Allison!" Umagang-umaga ang ingay-ingay na ni Abby. Ngayon na kasi ‘yung araw ng concert nina Ian. Hay, ‘pag naalala ko ‘yung name ng banda nila, natatawa talaga ‘ko, kaya hinding-hindi ko talaga itataas ‘yung banners na ginawa ni Abby. Nakalagay pa naman doon, WE LOVE YOU MIGHTY BAND! tapos ‘yung kanya, MARRY ME IAN MY LOVE! "Abby, 7:00 AM pa lang. Utang na loob magpatulog ka naman. Pinuyat mo na nga ako sa pagtulong ko sa ‘yo sa paggawa ng banners, tapos ang aga-aga mo ‘kong bubulabugin," sabi ko sabay takip ng unan sa mukha ko. "Ian! My Ian! Ian!" Parang wala siyang narinig, at pakanta pa niyang binabanggit ‘yung pangalan ni Ian. Kaya wala na ‘kong choice kundi bumangon na lang, kasi hindi na rin ako makatutulog pa kasi

