*CHAPTER 25* Dahil sa tanong niya napatingin uli ako sa kanya. "Ha?" Ano raw? Bahay Kubo? Bakit naman siya kumanta ng Bahay Kubo? "Kahit ako, hindi ko rin alam. Hindi ko na rin nabilang. Ang alam ko lang kailangan kong kumanta para wala akong maisip na kakaiba. Baka kasi ano’ng mangyari sa ‘tin," kwento niya sa ‘kin sabay tawa. "Ano?! Cedrick ang bastos mo! Sasampalin kita d‘yan!" Umarte siya na iilag. "Totoo naman. Kayakap ko ‘yung babaeng mahal ko, umuulan, malamig tapos konti lang suot. Lalaki ako Coffee, syempre maiisip ko ‘yon, kaya kumanta na lang ako para ‘di ko maisip at mabaling sa ibang bagay ‘yung utak ko. Alam ko nakakailang, pero kailangan natin pag-usapan. Wala namang masama sa nangyari, wala naman tayong masamang ginawa. Magdamag tayong magkayakap dahil kailangan natin n

