Bumaba si Kamille sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng kanyang Mommy at Daddy, kasama nya si Franco at kinausap sya nito na ano man ang mangyari ay wag na wag syang magtatanim ng galit sa ama nya. Napakabuti nito, kahit pa ito ang mas sobrang naapektuhan dahil sa mga ginawa ng Daddy nya ay ito pa rin ang umiintindi at nagpapakalawak ng isip ngayon. "Halika na," Ito pa ang humila sa kamay nya papasok sa loob. Doon ay naabutan nya ang Mommy at Daddy nya, gulat na gulat sya dahil naroon din ang mga magulang ni Edward. Anong ginagawa ng mga ito dito? Parang may pinag-uusapan ang mga ito. Nakaramdam sya ng kaunting kaba pero minabuti na rin nyang tumuloy. "K-Kamille?" gulat na sabi ng Mommy nya at napatayo pa ito sa kinauupuan pagkakita sa kanya. Nasa kanya ang atensyon ng mga ito ngayon

