Nakatulala lamang si Kamille sa kisame ng kwarto at iniisip ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Franco. Hindi lang yon, marami pa. Bukod sa mga nalaman nya tungkol sa kawalangyaang ginawa ng Daddy nya ay hindi nya pa rin alam kung paano haharapin ang ama. Natatakot sya sa posibleng magawa nya, baka makalimutan nya ang dugong nag-uugnay sa kanila kapag nakita nya ito. Hanggang maaari ay ayaw nya pang mangyari iyon, ama nya pa rin ito ngunit sobrang sakit ng mga ginawa nito sa kanila ni Franco, hindi pa nya naipagtatapat kay Franco ang tungkol kay Mathew, dahil sa ginawa ng Daddy nya nawalan ng pagkakataon na masilayan at makasama ni Franco ang anak. Kung alam lang nya na marami pa palang sulat na ipinadala si Franco sa kanya upang kamustahin sya at sabihin sa kanya araw-araw kung gaano

