"Anak mag-stay naman muna kayo dito kahit mga tatlong araw pa," Napangiti si Franco sa paglalambing na iyon ng kanyang ina. Masyado itong natutuwa sa apo kaya halos ayaw na silang pauwiin. Iyon naman talaga ang binabalak nya, hindi naman talaga sila uuwi agad. "Opo Ma, sa isang araw pa po siguro kami aalis since kailangan kong paghandaan ang kasal namin ni Kamille," pabulong na wika nya. Namilog naman ang mga mata ng ina nya dahil sa narinig. "Really? Pakakasalan mo na si Kamille?" kumislap ang mga mata nito at nababasa nya roon ang labis na kasiyahan. Nakangiting tumango sya sa ina nya. Wala ng dahilan para pakawalan pa nya si Kamille, ito ang tanging babae na iniibig nya mula noon hanggang ngayon. "Yes Ma, sya lang ang babaeng mahal ko," Ngumiti ang Mama nya at hinaplos nito ang kam

