Angelie's POV
Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko na tumayo si Algianna sa kanyang kinauupuan at nagmamadaling umalis. Halata rin sa kanya ang galit, sa kanyang mukha.
Sino kayang kagalit niya? At mukhang galit na galit siya? At sa tagal na nila ni Kurt, ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganuon. May hindi talaga, tama eh!
Suaundan k na sana siya ngunit may pumigil saken, si Leo. Kailangan na naman ng hinayupak na ito?.
" Ano? "
" Saan ka pupunta? "
" Paki mo? " ngumuso siya, bakla neto!
" Manlalaki ka noh? "
" Ano naman sa'yo? "
" Angelie naman eh! Wala namang ganiyanan! "
" Tigil-tigilan mo ko Leo! " inis kong ika atsaka na ako nagpatuloy sa pag-alis, pero napa mura na lamang ako, ng hindi ko na ito makita pa. Saan kaya pumunta ang asungot na iyon?. Tss! Bwisit kasing lalaki eh!
" Ako ba hinahanap mo? " na patalon ako sa kinatatayuan ko ng bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan ko.
" Saan ka pumunta? " tanong ko nalang atsaka ko itinago ang pagka gulat ko sa pagdating niya.
" Tindahan? " atsaka niya ipinakita ang max na candy. Kinunutan ko siya ng noo.
" Ang dami naman sa loob, bakit bumili ka pa sa tindahan? "
" Ayoko ng pagkain na galing sa patay. Excuse me. " tumaas ang kilay ko doon at napabuga ng hininga sa sinabi niyang iyon. Candy sa patay? Parang hindi niya kaibigan ang namatay ah?. Tss! Nilingon ko siya at sinundan ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kanyang pwesto.
Tss! Ihanda mo lang ang sarili mo Algianna, dahil sa oras na malaman ko na may binabalak kang masama at may kinalaman ka sa pagkamatay ni Marvs. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka! Tandaan mo yan!
Kurt's POV
Naihatid na namin sa huling hantungan ang katawan ni Marvs. Anong nararamdaman ko ngayon? Malungkot. Malungkot dahil napaka-aga naming nabawasan at nawalan.
Pero kung iyon nalang talaga ang buhay ni Marvs, tatanggapin ko nalang... Namin. Kahit masakit. Kahit mahirap. Dahil naging mahalaga siyang tao saming lahat.
Kung nasaan ka man ngayon Marvs, sana masaya ka at mahanap mo na ang kapayapaan mo diyan sa langit. Mamimiss ka naming lahat, Marvs. Hindi ka namin makakalimutang lahat.
**
" Breakfast is serve! " bungad ko kay Algianna ng makababa ito ng hagdan. Kita ko sa mukha nito na nagulat siya sa ginawa ko.
" Ano yan? " tanong niya. Isa-isa ko namang binuksan ang mga ulam na niluto ko na tinakpan ko pa ng plato para isurpresa siya. Haha.
" Ang paborito mong fried rice, scrambled egg, ham, ginisang kamatis at... " huminto ako sa dulo, dahil ito ang pinaka gusto niyang ulam sa tuwing umaga na iniluluto ko sa kanya kapag dito siya natutulog sa bahay ko " Binurong isda! "
" What the FCK! " nabigla ako sa naging reaksiyon niya, dahil hindi ganiyan ang inaasahan ko sa kanya " Anong klaseng ulam yan? Ba't ang baho? "
" Huh? Hindi ba paborito mo yan? "
" What? I'm not a f*****g cat para kumain ng mabahong isda! Alisin mo nga yan! Kadiri! " ika nito atsaka pumanhik paitaas.
Nagtatakha parin ako na sinundan ko siya ng tingin habang umaakyat ng hagdan. Anong nangyare dun? Ayaw niya na ang paborito niyang ulam?. Pero... Imposible naman.
Ito kasi lagi ang request niya saken kapag pumupunta siya rito eh. Naalala ko naman ang sinabi ng doctor, kaya hinayaan ko nalang at itinago na sa ref ang iniluto kong binurong isda. Ako nalang siguro ang kakain nito mamaya, kapag tulog na siya at nasa kwarto na.
Umakyat ako sa kwarto niya para tawagin siya, matapos kong itago sa ref ang binurong isda.
" Baby, halika na. Inalis ko na sa lamesa yung binurong isda. Halika, kumain na tayo " pag-aya ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng kwarto nito. Nagbabasa na naman ito ng libro.
" I lost my appetite " alam ko na galit siya. Halata kasi sa tono ng boses ng pananalita nito eh.
" Baby, I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam na... Hindi mo na gusto ang paborito mong kainin na ulam kapag pumupunta ka rito. I'm sorry, please. Kumain na tayo, baka lumamig na ang pagkain "
" Eat with yourself! "
" Baby, "
" Leave me alone. I want to be alone "
" Baby, "
" I said leave! Hindi ka ba makaintindi?! " nabigla ako sa inakto na naman niya. Dahil ito ang unang beses na sinigawan ako nito. Kesa magtanong pa, ay lumabas na lamang ako ng kwarto niya. Dahil ayoko ng pahabain pa.
Bumuntong hininga nalang ako at isinaksak ko na naman sa kokote ko ang sinabi ng doctor saken. Patience please. Patience, Kurt. Patience!
Algianna's POV
Naluluha ako habang pinapanuod ko kung anong nangyayare sa pagitan ni Kurt at ni Adrianna. Gusto kong makialam! Pero hindi ko magawa. Natatakot kasi ako, natatakot ako.
Kilala ko kasi ang kapatid ko, at hindi iyon magdadalawang isip na gawin ang sinabi niya saken. Dahil may isa diyang salita at kahit Kailan, ay wala pa siyang sinabi nanhindi niya pa ginawa.
Naalala ko nung mga bata pa kami. Nagkaroon ako ng alagang aso, si browny. Ako gustong-gusto ko sa mga hayop, pero si Adrianna ayaw nito. Kaya kapag kasama ko si browny nagagalit siya saken atsaka siya nag banta na... Kapag pumasok ang aso ko sa kwarto niya, papatayin niya ito. At hindi sadyang pumasok doon si browny, kaya pinatay niya ito. Kaya simula noon, umiwas na akong pumasok sa kwarto niya, at kapag may bago akong alaga ay hindi ko pinapalabas ng kwarto ko, dahil ayoko ng maulit pa ang nangyare sa unang naging alaga ko.
Lumabas ako sa kinatataguan ko at humarap kay Adrianna. Huminto siya sa pagbabasa at tinaasan ako ng kilay.
" What? Tss! Stop crying! Mukha kang tanga! "
" Adrianna please! Kung papatayin mo siya, ngayon na! Huwag mo na siyang pahirapan pa! "
" Are you commanding me, Algianna? " tumayo ito sa pag kakaupo sa higaan ko atsaka lumapit saken kaya napaurong ako sa kinatatayuan ko " Are you? " atsaka niya ako tinulak na ikinaupo ko sa sahig " Then don't dare Algianna! Baka gusto mong sa harapan ko pa patayin ang nobyo mo? "
" Adrianna... " na iiyak kong pagtawag sa kanya
" Quiet as you can, evil twin. And don't dare make a move to ruin my plan, dahil hindi mo gugustihin ang gagawin ko " napahagulgol nalang ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya iyon " Leave here, baka may makakita pa sa'yo! " umiling ako kaya Naka ramdam ako ng sakit sa binti ko dahil sa pag sipa niya saken " Sinusuway mo na ba ako, ha? " umiling ako " Then leave! "
I stood up and face her, while I'm wiping my tears " C-can I? "
" Can I what? "
" Can I eat with him, for the last time? " tumaas ang kilay niya " Please, please Algianna! Pumayag ka lang hindi na ako magpapakita pa at mangingialam! Basta pumayag ka lang, please "
" If I don't want? Mangingialam ka? Subukan mo! Magkakasubukan tayo Algianna! " hinawakan ko siya sa magkabilang kamay nito.
" Please, pumayag ka lang magpapakalayo na ako dito habang buhay. Kaya pumayag kana please!, please Adrianna! Please! "
" Fine! " gustong tumalon ng puso ko ng dahil sa sinagot nito. Niyakap ko naman siya agad, pero agad rin niya akong tinulak " But don't dare to say anything to him, Algianna. Nakikita ko kayo, kaya huwag mo akong susubukan " maraming beses akong tumango-tango habang pinupunasan ko ang luha ko na ayaw ng tumigil sa pagtulo " Now go! I'll give you two hours para makakain kasama siya at makasama mo siya for your last moment here " malungkot na tumango ako sa sinabi niyang iyon " Now go, bago pa magbago ang isip ko! " mabilis na tumakbo ako palabas ng kwarto ko at nag madaling bumaba ng hagdan habang tinatawag ang pangalan niya.
" Kurt! " sinalubong ko siya ng yakap nung makalabas ito sa kanyang kwarto! Sa ibaba kasi ang kwarto nito, takot kasi iyan matulog sa itaas eh, may multo daw kasi. Haha. Ang duwag ng mahal ko! Pero mahal ko! Mahal na mahal ko!
" Baby? Are you crying? " Nag-aalala nitong tanong saken, umiling ako sa kanya kahit na ang totoo ay umiiyak talaga ako, umiiyak sa lungkot at saya na nararamdaman ko this time. Masaya, dahil finally nakasama ko na naman siya! At malungkot dahil mawawala na siya saken. Huhu, Patawad Kurt. Sana mapatawad mo ako sa gagawin ng kapatid ko sa'yo, at maging ako.
" Hmmm.. May naamoy ako baby, yung paborito ko ba iyon? " atsaka ko siya hinarap, mukha sa mukha. Nabigla siya sa so nabili ko at the same time nagtakha. Sino nga bang hindi? E kung kanina lang ay parang gusto na siyang kainin ni Adrianna dahil sa naamoy niyang ulam na paboritong paborito ko?.
" H-hindi ba a--- " inilagay ko sa lips niya ang hintituro ko, inalis ko iyon atsaka labi ko naman ang inilagay doon.
" Anong ayaw ko? Nag-eemot lang ako kanina noh! And sorry for yelling at you ha? Masakit lang kasi ang puson ko, dahil malapit na akong dalawin " he kissed me back na ikinangiti ko, pero ang putaragis kong mga mata naluluha. He wiped my tears.
" Namiss mo ba luto ko, kaya umiiyak ka ha? "
" Yhep! Sino bang hindi? E ang Sarap mo kayang magluto! " puningot niya ako sa ilong ko.
" Bolero! " nginitian ko lang siya at binelatan " Halika na nga, kumain na tayo! " sabay hawak sa kamay ko!
" Aye! Aye! Sir! " sumaludo pa ako sa kanya na ikinatawa nito, kaya natawa nalang rin ako. Mamimiss kita ng sobra sobra Kurt. Sobra sobra pa pala! I love you, Kurt. I love you so much! And I'm sorry. I'm so sorry.
***
???