"Mabuti na lang hindi pa ako late,"wika ko sa sarili ko.
Nakita ko ang pag dating ng motorsiklo, sakay nito ang hambog na si tingin ko ay pangalan ay Miguel. Tumingin ito sa kinatatayuan ko at agad inirapan ito,napansin ko rin at lihim na pag ngiti nito nang muli balingan ko ng tingin ito. Namangha ako sa mapulang labi nito na at makinis na mukha nito,nakuha nito ang atensyon ko dahil sa gwapo at magandang pag ngiti nito. Napalunok ako at nag alis ng tingin rito hanggang sa mag simula na ang klase namin,isa-isa kami nagpasukan sa classroom at isa-isa umupo.
Narinig ko ang ilang estudyante na tinawag ito bago pa man magsimula ang klase.
"Gil! Sumama ka sa amin,"tawag ng tatlong lalaki na pumasok sa classroom.
"bakit anong meron?"walang gana na tanong nito.
"May karera this night,hanggang 10 am cut off na ang palista sa race. Hindi ka ba sasali?"sagot ng lalaking tumawag rito.
Agad ito tumayo agad at kinuha ang bag.
"Bakit hindi mo sinabi agad,tara!"wika nito habang nag mamadali lumabas ng classroom,maya-maya lang ay sumunod dumating ang professor namin.
"Saan na naman nag punta ang Miguel na 'yon,malapit na exam puro kalokohan pa rin ang inaatupag,"wika ng prof namin sa buong klase.
"Prof,hayaan n'yo na lang si Gil,you know naman na genius naman s'ya at kaya n'ya maka habol sa exam this month,"wika ng babaeng nag taray sa akin kahapon.
"Your right Alexa,"sabat ng babae.
So Alexa pala ang pangalan ng mukhang palaka na babaeng 'yon,wika ko sa isipan ko. Nang matapos ang klase at nag hahanda ako sa pag labas na ng classroom,narinig ko ang usapan ng mga ito.
"Alexa,did you come sa race ni Gil,"tanong ng babaeng katabi nito.
"Of course,i'm coming,"sagot nito at tumingin sa gawi ko at muli nag salita.
"I didn't missed the race of my boyfriend,"dugtong nito habang nakatingin sa gawi ko.
Nang iingit ba ito,bakit naman ako maiingit sa kaniya. Bagay naman sila pareho silang mukhang palaka,wika ko sa isipan ko.
Habang naglalakad pauwi ay naisip ko mag tanong-tanong tungkol sa magaganap na karera,nalaman kong sa labas ng school ito magaganap at gabi magsisimula. Agad ako pumara ng taxi pauwi sa bahay,masyado akong nahihiwagaan tungkol sa karera na 'yon.
Nang makauwi sa bahay at sumapit ang dilim nakapag desisyon ako magpunta sa karera na magaganap,nag bihis ako ng maong na pants at sleeveless sando.
Dinala ko din ang Jacket ko kung sakali lamigin ako.
Nang makarating ay nabigla ako sa dami ng tao,halos estudyante ang naroon at iba pang hindi ko kilala. Nakipag siksikan ako at doon nakita ko ang Miguel na 'yon papalapit sa motor nito. Napa awang ang labi habang nakatitig rito. Aaminin ko na unang kita ko lamang dito ay nagka gusto na ako rito, gwapo at malakas ang dating nito kaya't kahit sinong babae ay tiyak na malalag-lag ang panty rito. Nakasuot ito ng itim na makapal na Jacket at sinuot din ang itim na helmet nito.
Dinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao at sobrang nakakabingi. Tinaas ang flag ng lalaki dahilan ng sabay-sabay na pag harurot ng mga motorsiklo. Ramdam ko ang malakas na hangin na humampas sa mukha ko nang mag simula na ang mga ito. Habang naghihintay sa pagbalik ng mga ito ay nabigla ako nang bigla mag takbuhan ang lahat ng tao,nagulat ako at hindi alam ang gagawin habang naiwan na nakatayo.
"Anong nangyayari?!"habol na tanong ko sa lalaking tumatakbo.
"May mga pulis!"wika nito at tuluyan na tumakbo.
Natulala ako hanggang sa bigla ako hilahin ng pulis at pa dapain. Nangi-nginig ako sa takot at kasama ng ilang taong nahuli na nanonood sa karera kanina ay dinala kami ng mga pulis sa presinto. Pinasok ako ng mga ito sa selda kasama ng mga ibang preso na babae.
"Hindi po ako kriminal, bakit pinasok n'yo ako rito,"wika ko,pero hindi pinapansin ng mga ito ang mga sinabi ko.
"Anong kaso ko! Tatawagan ko ang Daddy ko,"dugtong ko pa.
"Gambling,sabihin mo 'yan sa parents mo,"wika ng lalaking pulis at nag tawanan.
Inikot ko ang mga mata ko sa maruming selda,hindi ko kaya matulog rito. Kailangan ko tawagan si Daddy,wika ko sa isipan ko ngunit nang kapain sa bulsa ang phone ko ay nasapo ko ang ulo ko dahil nakalimutan ko ito sa bahay kaninang pag alis ko. Paano ako ngayon,hindi ako sanay sa ganito. Maya-maya lang ay nakita kong pumasok ang limang lalaki sa loob ng presinto at ang isa ay tiyak ko na iyon si Miguel,ang classmate ko. Binalingan ako ng tingin ng nito at nag tama ang mga tingin namin. Nakipag usap ito sa mga pulis habang pasulyap sulyap sa gawi ko. Lumapit ang pulis sa gawi ko,ang kanina kausap na pulis ng mga ito.
"Laya ka na! Pinayansahan ka ng mga kaibigan mo,"baling ng pulis sa akin.
"P.. po.."tanging tugon ko at bukas ng pulis sa pinto ng rehas.
"Labas na! Ayaw mo ba?!"sikmat ng pulis.
Agad ako lumabas ng rehas at lumapit sa gawi ng Miguel na 'yon at kasamang mga kaibigan nito. Sunod-sunod tahimik lumabas ang mga ito sa presinto at sumunod ako. Nakita ko nagtungo ang mga ito sa kani-kanilang motorsiklo at sumampa,habang ako ay nag lakad palayo sa mga ito na para bang walang nangyari.
"Hoy!"narinig kong tawag sa likuran ko,at nilingon ito.
"Hindi ka man lamang magpapasalamat,"sikmat nito at agad ako lumapit.
"Salamat!Okay na ba?"wika ko at tumalikod na.
"Sandali,kung alam ko lang na ganyan ka magpasalamat sana hindi na kita dinamay sa pag tubos sa mga kaibigan ko,"mahabang wika nito at hinarap ito.
"Tapos ka na ba?Pwede na ba ako umalis,"turan ko at napangisi ito.
Bumaba ng motor ito at dahan-dahan lumapit sa akin,nabigla ako nang hilahin ang bewang ko nito palapit rito.
"Ano ba!"sikmat at nagpupumiglas ko rito.
Nabigla ako nang halikan ako nito habang nakapit sa bewang ko,agad ko ito tinulak at sinampal sa pisngi nito.
"Bastos!"galit na sigaw ko rito.
"Hindi kita binastos,bayad mo 'yan sa'kin sa pagtulong ko sayo makalabas ng presinto,"wika nito at bumaling na sa motor nito at sumakay,nang ma suot nito ang helmet ay mabilis nito pinaharurot ang motorsiklo nito. Sumunod ang ibang mga kaibigan nito na kapwa naka motorsiklo.
Naiwan akong nakatayo at nakatingin sa mga ito hanggang sa mawala na,dahan-dahan ako nag angat ng kamay at hinawak sa labi ko. Hindi ko akalain ganun kabilis makukuha ng lalaking 'yon ang first kiss ko,wika ko sa isipan ko.