Zairel POV
"Zairel anak.... ano nanaman ba pinag awayan nyo ng ate mo nung isang araw?" Tanong ni mommy sa akin habang inaayos ang damit ko para sa school.
Yeah lagi nya yang ginagawa pag may pasok sa school. Bini-baby nya ako pero wala namang problema sakin yun. Mas gusto ko nga na nilalambing ako ng nanay ko ehh. Dahil di naman sa lahat ng oras malalambing ako ng nanay ko. Lab na lab ko kaya nanay ko hahahahahaha
"Si ate kasi mimi bigla bigla nalang pumapasok sa kwarto ko" sumbong ko kay mimi si ate naman parang pinag sakluban ng langit at lupa ang itsura. Btw nandito na kami sa lamesa at nag aagahan. Hindi pa kasi ako nag sisipilyo kanina kaya ayokong mag salita hahahahaha
"Bakit ako? Sino ba ang nang bababae sa ating dalawa? Ha zairel?"
"Oo na! Wala naman akong panalo sayo eh " sumusukong sabi ko. Si mama naman natatawa nalang.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa ni Zairus
"Wow makatawa ka naman rus parang wala kang ginagawang kalokohan ah" sabi ko na nag patigil sa kanya sa kakatawa
Hmmm kala mo ha
"Anong kalokohan zairel?" Sabi ni dada. Nakakatakot na ang boses ni dada.
Patay kang zairus ka!
"Ahh dada wa-wala naman p-po akong ginagawng ka-kalokohan ehh" utal at kinakabang saad ni zarus hahahahahahaha takot kasi sya kay dada. Lahat pala kami takot kay dada. Lalo na pag seryoso na sya.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko zairus. Zairel ano ang kalokohan na ginagawa nitong kakambal mo?"
"Dada wala naman po syang ginagawang kalokohan.... binibiro ko lang si rus dada" kinakabahan na sabi ko naman. Seryoso kasi si dada na nakatingin sa amin ni zairus.
"Bahala kayong dalawa. Hindi na ako mag tatanong kahit alam kong nagsisinungaling kayong dalawa. Alam ko namang kahit anong pilit kong paaminin kayong dalawa ay hindi kayo aamin..... kambal nga talaga kayo" saad ni dada pero di ko na narinig yung sinabi nyang huli.
Alam ko namang di naniniwala sa amin si dada. Sa paraan palang ng pag titig nya samin kanina sinasabi na ng mga mata nya na hindi sya naniniwala.
Haysss..... nag tatampo nanaman ang dada namin hihihihi
-----------------
Hello po sa inyong mga readers!!!! Thank you po sa patuloy na pag suporta sa story ko kahit walang kwenta.
Tsaka kahit ang tagal mag update kasi po madaming ginagawa sa school. Ang hirap pong pag sabayin. Pero pag may free time po ako mag UD po ako agad!
Thank you po I Love you all❤️❤️