IVORY's POV "So lola ano po nangyari noon? Bakit ka nakipag hiwalay kay nanay liah?" Tanong ko kay lola pagka lapag ko ng inumin. Sensya na umiinom kasi ako ng juice ehh "Ganto kasi yun. Binantaan ako ni papa noon na kapag hindi ako nakipag hiwalay kay maliah, mawawalan ako ng mana at tuluyan na nilang ilalayo ang mama at mga kapatid ko saakin. Syempre hindi ko kaya yun. Si mama nalang at ang dalawa ko pang kapatid ang nakakaintindi sa akin. Hindi kami mag kasundo ni papa simula nung nagkaisip ako. Dahil hindi nya matanggap na nagkakagusto ako sa babae. Ang kwento sa akin ni mama noon. Hindi naman daw galit si papa noon sa same s*x relationship, kaya lang mula nung namatay ang panganay namin na lalaki dahil sa karelasyon nitong lalaki na mula sa kulungan. Nagbago ang tingin ni papa sa mg

