Zairel's POV
"Fall (everything) Fall (everything) Fall (everything) Hasoshima Fall (everything) Fall (everything) Fall (everything) Dorachine"
Napatingin kami kay justine na bigla bigla nalang kumakanta. Naka earphone sya at nakapikit pa habang kumakanta.
Teka ano nga ba yung kinakanta nya? Pamilyar ehh parang narinig ko na noon.
ISIPISIPISIP!!
Ahh basta yun na yun!
"Demini rokemanggacho kamana cheneanggacho makachaso mun tanga cho nuba binge rosim no gandacho"
Lumapit sakin si frances at kinalabit ako sa balikat habang nakatingin kay justine na feel na feel ang pag kanta.
"Zai. Ano ba problema ni justine? May pinag dadaanan ba yan?" Takang napatingin naman ako kay frances dahil sa sinabi nya.
Impossible naman kasi na May problema yang si justine ehhh nag kukusa naman yang mag sabi sa amin kapag may problema sya
"Inanod arigo ande"Patuloy pa sa pag kanta si justine nang lumapit din samin si gray.
"Oo nga zai. Di kaya May problema yan? Parang timang kasi ohh kung ano ano pinag kakanta. Napapraning na yata si justine ehh tatawag na ba ako sa mental?" Humagikgik naman sila savvy sa lamesa sa likod namin. Kumakain kasi sila ng breakfast habang kaming tatlo naman nila frances at gray nag kakape lang samantala yung isa naman ayun. Baka nga napapraning na. Hakhakhakhakhak
Dito kasi sila natulog kagabi. Namiss daw nila ako kaya dito na sila nag palipas ng gabi. Nag harutan lang kaming piti dito sa condo ko.
Pag kauwi ko kasi kagabi galing sa gala namin ni Ivory ehhh naabutan ko na sila dito.
Sa maniwala kayo at sa hindi... kakabili ko lang sa grocery nung isang araw pero ngayon..... WALA NA UBOS NA YUNG LAMAN NG REF KO!
"I need you girl wae. Punta sana ako kaso may tanod oh yeah. I need you girl my buchiki"
Di na namin maiwasan na humalakhak dahil sa lyrics ng kanta nya. Di naman nya nakikita dahil nakapikit parin sya at feel na feel ang kinakanta nya.
Hindi na nakapag pigil si zane, hinatak na nya ang isang earphone sa tenga ni justine at tumatawa itong binatukan si justine.
"Tangina naman Zane! Ano ba problema mo? Kumakanta lang naman yung tao ehh nambabatok ka na dyan?" Naiinis naman na tumingin si justine kay zane at tinawanan lang naman namin sya ma kinainis nya lalo.
"Ano ba kasi yang kinakanta mo? Putcha alien yata yang language na yan ehh hahahaha may nalalaman ka pang buchiki! Tangina justine san mo nakuha yan!" Si zane na nakahawak na sa tyan nya at tawa ng tawa habang kami natatawa nalang sa itsura ni justine.
"Gago! Hindi nya ba alam tong kantang toh? I need u! Kanta ng BTS!"
Ahh oo nga pala kanta yun ng BTS nakalimutan ko na! Sorry naman!
"Pano naman kasi kung hindi mo kayang sabihin yung mga word mag hum ka nalang! Hindi yung may pa tanod, inanod at buchiki ka pang nalalaman dyan! Para kang timang!" Ako na natatawa sa pag mumuka ni justine. Naka simangot kasi sya at konti nalang mag sasalubong na ang mga kilay nya hahahhahaha
"Oo na panira kayo ng trip! Ano ba ulam dyan nagugutom na ko!"
"Doon may itlog doon! May fried rice din doon kumain ka na at makakanta ka ulit hahahhaaha" inis pa ni savvy.
"Sya nga pala zai. Kamusta yung gala nyo ni ivory?" Biglang tanong ni justine.
Wala sa loob ko na napangiti ako. Naalala ko nanaman yung ngiti nya kahapon. Sobrang saya nya. Para syang bata na ngayon lang nakapunta sa Enchanted Kingdom. Yung tawa nya parang musika sa pandinig ko.
"Ayyy mukang iba na yan ahh. Ano zai naiinlove ka na ba kay miss ivory? Hmm?"Tanong ni Savvy na dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Sa totoo lang hindi ko din alam. Iba kasi yung nararamdaman ko pag kasama ko sya ehh. Lagi kong kinukumpara yung feelings ko noon pag kasama ko si gwen sa feelings ko ngayon pag kasama ko si ivory. Sa totoo lang.... Mas nararamdaman ko yung saya ngayon kaysa noon.
Pero ewan ko. Basta kung ano man yung nararamdaman ko. Baka mawawala din to. Pinag lalaruan ko lang naman si ivory ehh. Rebound ko lang naman sya.
Pero bakit iba yung saya mo pag kasama mo si ivory? Tanong ng utak ko.
Hindi ko din alam. Ewan ko.
Kung totoo man na nahuhulog na ko sa kanya. Sana hindi nya ako iwan kapag nalaman nya na rebound ko lang sya. Kasi alam kong masasaktan ko yung sarili ko.
Basta ewan. Ayoko na isipin yun.
"So ano nga? Naiinlove ka na ba sa TOY mo?" Diniinan talaga ni zane yung word na toy.
"Ewan ko." Tanging sagot ko lang. naguguluhan na kasi ako ehh di ko din alam yung nararamdaman ko.
"Kung totoo man yan zai. Sana seryosohin mo na sya. Baka kasi bumalik ka nanaman sa dati kapag narealize mo na mahal mo na pala sya." Seryosong sabi ni gray. Suportado nila ako sa nararamdaman ko.
Sana nga.
Kung mahulog man ako sa kanya.....
Sana sya na lang.
Sana sya na nga.