Hindi malaman ni Loraine kung tamang ipaalam pa sa kanyang anak ang nalaman. Simula ng malaman nitong umalis ng bansa ang dalaga ay hindi na rin ito umuwi sa kanilang bahay ang kanyang anak.Madalang na rin siyang kausapin ni William. Hindi nya gustong pati ang nag iisang anak nya ay malalayo ang loob sa kanya. Hindi rin magugustuhan ng asawa niya kung pati ang sariling anak niya ay kinakalaban niya.Siya ang ina nito na dapat unang sumusuporta sa gusto ng kaniyang anak.Alam niyang nagkamali siya.Kung hindi niya naman ipapaalam ang nalalaman niya sa dalaga baka isa rin itong maging dahilan ng pag aaway nila ng anak na si William.At baka tuluyan na siya nitong kamuhian. Galing siya sa isang saloon at medyo ginabi na siya ng uwi dahil napasarap ang kwentuhan nila ng kanyang kaibigan. Pasa

