Naging masaya ang kanilang pictorial at maging ang kanilang reception. Very romantic ang lugar at napakabait ng mga tauhan ni Nick na tumulong sa kanila. May napansin nga si Verna sa kaibigang si Marianel,mukhang may something between her and Nick. Napangiti siya mukhang nakita na ata ng kanyang kaibigan ang magpapatibok sa puso nito.Hindi pa man sila naguusap ng dalaga dahil abala silang mag asawa asikasuhin ang mga bisita. Panahon na rin siguro na magmahal muli ang kaibigan. Alam nman nya kung anong pinagdaanan ng kaibigan sa pamilya nito. At sana hindi yon maging daan upang tuluyang pagsarhan nito ang pintuan na magtiwala sa isang lalaki. Hangad nya rin ang kaligayahan ni Marianel katulad nila ng kaibigan si Micon na masaya sa piling ng mga asawa.One of this day magkakaroon din

