Sophie Mae. "Psst Sophie!" Kunot noo kong hinanap ang tumawag sa akin, hanggang sa napadako ang mata ko sa table ni Erica. Ngumiti siya at suminyas para palapitin ako, nagtataka man tumayo na lang ako para puntahan siya. "Bakit?" "Nagyayaya si Dyosa sa dati, nomo tayo ano G, ka?" Bumuntong hininga ako at agad umiling. "Bakit!? Marami ka bang gagawin or may over time ka?" Aniya sa malungkot na winika habang naka nguso ang bibig. "Wala! Tinatamad lang ako, saka wala ako sa mood ngayon. Kayo na lang pass muna ako." "Okay... Ikaw ang bahala!" Tumango ako at ngumiti na lang bago inikot ang katawan para bumalik sa table ko. Ilang linggo na nga ba ang lumipas? Ngunit wala paring pag-uusap na naganap sa pagitan naming dalawa, at parang laro ang s*x sa kanya. Kasama niya ako palag

