"I love that you push me but are you willing to catch me if I fall?" CRYSTAL'S POV Mabibigat ang mga mata kong nagmulat kinaumagahan. Bakit hindi eh nakatulugan ko na yata ang pag-iyak. Nasaan na kaya siya? Malungkot kong tinignan ang kalahating bahagi ng kama. Hindi siya bumalik. Tila kinurot ang puso ko dahil sa kaalamang yun. Nang dumako ang paningin ko sa bedside table, nakita ko ang isang papel na nakatiklop. Inabot ko ito at binasa. "You can go back to Manila at 3 pm. Ipinahanda ko na ang chopper. No need to wait for me. You can bring Feliza with you. NOTE: JUST YOU AND FELIZA." Danreb Kusang namalisbis ang mga luha ko pagkabasa sa note. Feeling ko ipinagtatabuyan na niya ako. I inhaled deeply. Well, this is life. Sabi nga nila. 'You can't have everything.' Hindi p

