CRYSTAL'S POV Dahil nagkaroon ng low pressure area, na-postpone ang kasal ni Caridel ng 1 week. Kaya natengga rin kami ng isang linggo dito sa Sta. Praxedes. Isang linggo na rin kaming kasal ni Danreb. "Sige na, mamayang hapon pa naman ang kasal. Pasyal muna tayo." Pangungulit ko sa asawa ko. Kung noon parang maduduwal ako kapag binanggit kong asawa ko siya, nitong nakaraang araw feel na feel ko na. I mean slight lang pala. Kumbaga sa daliri, yung kuko, ganun na ang katumbas ng pagtanggap ko sa kanya. Kahit naman maglulupasay ako sa sahig hindi na mababago ang katotohanang mag-asawa na kami. "Sweetheart, as you can see it's only 5 in the morning. Can we just cuddle and sleep again." Inaantok pang sabi niya. "Eh sa gusto ko ngayon na! Maganda kapag wala pang araw. Hindi masya

