CRYSTAL'S POV
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin matapos ang pagniniìg.
Tumayo ang lalaki at dinampot ang mga saplot niya saka isinuot. Ganun din ang ginawa ko.
Matapos siyang magdamit, humarap siya sa akin at mataman akong tinitigan sa mata. Wala man lang bang sasabihin? Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang tumalikod siya at nagsimulang humakbang palayo.
"Wait! Who are you?" Bigla kong nasabi. Subalit hindi man lang siya tumigil at walang lingon-likod na naglakad palayo.
Pasalampak akong umupo sa bato. Sinapo ko ang ulo ko at hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha ko.
Ganun lang yon? Pagkatapos niya akong maangkin, iiwan na lang na parang basura?
*****************************
Kung nagkandaligaw-ligaw ako sa pagtahak sa daan papunta dito sa talon, taliwas ang nangyari sa pag-uwi ko. Tila may sariling isip ang aking mga paa na tinalunton ang kasukalan ng gubat hanggang sa masilayan ko ang b****a ng resthouse.
Kung ako'y tatanungin kung may pagsisisi ba ako sa nangyari, ang sagot ko ay 'OO.' I mean a part of me says: 'I'm regretting.' Kasi basta-basta ko na lang isinuko ang pinaka-iingatan kong dangal. Ang sabi ko noon, mananatili akong birhen hanggang sa makasal ako sa lalaking mahal ko dahil iyon ang pinakamahalagang regalong maiaalay ko sa lalaking mapapangasawa ko.
Pero isa akong ipokrita kung itatanggi kong may isang bahagi ng aking pagkatao na masaya. Masaya dahil ipinaramdam ng estrangherong iyon ang kakaibang ligaya. Oo panandaliang ligaya lamang.
Ngumiti ako ng mapait at pumasok sa main house wearing the usual fake smile. Naabutan ko si Nana Beth na nagpupunas ng center table sa sala. Nginitian ko siya nang mapadako ang tingin niya sa akin.
"Crystal, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinanahap iha."
"Namasyal lang po ako sa talon Nana."
"Talon? Yong nasa pusod ng gubat?" Gulat na tanong niya
"Opo, Nana. Maganda po doon." At doon ko unang naranasan ang kaiga-igayang pakiramdam ng pakikipagtalik. Dugtong ko sa isipan ko.
"Pero iha, hindi ka dapat pumunta doon. Pag-aari yun ng mga Ferrero."
"Ferrero?" Maang kong tanong.
"Oo, Iha. Kilala ang mga Ferrero sa bayang ito. Pagmamay-ari nila ang pinakamalawak na plantasyon ng saging at mais sa buong Sta. Praxedes. Ang kasukalan ng gubat pati na rin ang talon na sinasabi mo ay sakop na ng lupain nila." Paliwanag ni Nana Beth.
"H-hindi ko alam, Nana. Kasi noon, namasyal kami doon ng mga magulang ko. Kaya ang buong akala ko ay okay lang na magawi ako doon."
"Noon iyon, iha kasi hindi pa nabibili ng mga Ferrero ang bahaging yun ng mga panahong nagpunta kayo ng mga namayapa mong magulang. Simula ng naging pag-aari na ng pamilyang Ferrero ang parte na yun, wala nang naglalakas-loob magawi sa talon. Hindi na yun open gaya ng dati."
"Ah g-ganun po pala, Nana. Sige, hindi na ako tatapak pa sa lugar na yon."
"O, siya ...mabuti pa kumain ka na. Alas onse na ng umaga. Ipaghahain na kita, iha." "Ahmm, huwag na muna, Nana. Magpahinga muna ako sandali. Napagod po kasi ako sa paglalakad."
"O, sige. Basta tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."
"Salamat po, Nana." Sabi ko saka ako pumanhik sa kuwarto ko.
Nakadungaw ako sa aking bintana at nakatingin sa kawalan. Ni hindi ko ma-appreciate ang magandang view na natatanaw ko ngayon. Tanging ang lalaking iyon at ang pangyayari sa talon ang laman ng isip ko.
Naalala ko na naman ang hitsura niya. Ang lampas sa anim na talampakan niyang height, ang malalapad niyang balikat, ang maskulado niyang katawan, ang mahaba niyang buhok, balbas-sarado niyang bigote. Ang galing niyang humalik ...at ang...... Arrrrrrrg! Ba't ko ba naiisip iyon?
I shook my head. I shouldn't think of him. Nakakainis alalahanin yun lalo na, all along habang sabik na sabik at enjoy na enjoy ako sa paliligo sa talon, wala pala akong kamalay-malay na isa akong trespasser!