CRYSTAL'S POV Hmmm, ang sarap talagang matulog. Nakakatamad bumangon. Kung puwede lang sanang matulog na lang ako maghapon tutal Sunday naman. Tumìhaya ako ng higa at unti-unting iminulat ang mga mata ko. Dumako ang tingin ko sa malaking wallclock na nakakabit sa dingding. Time conscious kasi ako. Gusto ko paggising ko, madali kong makita ang oras. O kahit ano man ang ginagawa ko, hinahagilap ko ang orasan. Kaya nagpalagay ang asawa ko ng malalaking wallclock hindi lang sa bedroom namin kundi pati living room, dining room, library, pati CR namin at iba pang parte ng bahay. It's 10:20 am! Nasaan kaya ang makulit kong mister? Akala ko pa naman, kagwapuhan niya ang una kong magigisnan. Nakakagigil ang cleft chin niya! Dadamputin ko na sana ang unan na ginamit niya para amoy-

