Nagsimula kaming pumasok ni Vince sa loob. Ang dilim doon. "Hold me tight Celina. Baka mawala ka dito. Ang dilim pa naman." Inilingkis niya ang kamay ko sa braso niya. Napakapit naman ako doon. Wala akong makita pero nangingibabaw ang nakakatakot na tunog ng paligid. Minsan ay may bigla nalang dadaan sa harapan namin na babaeng nakaputi. Napapapitlag ako dahil sa gulat pero hindi naman ako napapatili. Si Vince naman ay pinapakiramdaman lang ako. "This crap is not even scary." iritadong sabi ni Vince. Nilingon ko siya pero hindi ko gaanong maaninag ang hitsura niya dahil sa dilim. Nagpatuloy kami sa paglalakad. May manananggal na lumilipad sa ere at bigla nalang malalaglag sa harapan namin. Tanging pagpitlag lang ang epekto nito sakin. Hindi ako natatakot sa ganito dahil gusto ko rin

