Hindi parin siya nagsisimulang magmaneho at bakas parin sa mukha niya ang galit. I don't know how to take away that anger. I'm pissed either. Paheras kaming galit ngayon sa isa't isa. "Akala ko ba uuwi na tayo sa condo mo? Ba't hindi mo pa sinisimulang magmaneho? Gusto mo ba talaga akong mamatay dito sa gutom?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Tigilan mo ang kakareklamo. May oras ka ngang makipaglandian sa siraulong lalaking first kiss mo. Akala ko ba ako ang kauna unahan mong boyfriend?" Gusto kong magmukhang galit pero hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. He claimed me as his girlfriend once and now he's claiming hisself as my boyfriend. I'm flattered. Tanggap niya na rin na boyfriend ko nga siya. Dinideny niya kasi noon. Ayaw niyang tanggapin. Ayaw ko nga ri

