["Hoy babaeng baliw? Nandiyan ka pa ba?"] Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Pilit ko pang pinuproseso sa utak ko ang pinagsasabi niya. I'm gonna meet his dad? How can I even calm down?! "Really?! God! Magugustuhan niya kaya ako? Anong klase bang tao ang Dad mo? Istrikto ba? Sinabi mo ba sa kanyang tinatarayan kita? Paano kung pagalitan ako ng Dad mo?!" I said in a panic. Napaupo na ako sa kama ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Next week pa naman iyon pero pakiramdam ko ay bukas na ito. ["Kumalma ka nga. Hindi ka naman kakainin ng buhay ni Dad. Gusto ka lang niyang makilala yun lang. Kahit kailan talaga napakabaliw mong babae ka."] Naiirita niyang sagot sa kabilang linya.Huminahon ako at ikinalma ang sarili. Humiga ulit ako sa

