Paglabas ko ng bahay ay mukha ni Vince na nakaP.E at halata ang eyebugs sa ibaba ng mata niya ang bumungad sa akin. Kumunot ang noo ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Hindi siya natulog? Pero hindi naman kami nagtawagan kagabi ah? Ano ang pinagkaabalahan niya para magkaeyebugs siya? "Looks like the bad girl is curious on my eyebugs. Nagmoviemarathon kami kagabi." sabi niya. Idinampi niya ang kamay niya sa noo ko at tinitigan ako ng mabuti. "Seems like you're okay now. Ibig sabihin ay pwede kana naming ihagis sa ere." komento niya habang isinisiksik ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang maamoy ko doon ang kaonting usok ng sigarilyo kahit na nangingibabaw ang bango niya. He smoked? "Vince. May hindi ka sinasabi sa akin." Inaninag ko ang mukha niyang may blangkong ekspresyon. Dum

