Untold part: Lesson learned Isinama ko na si Hana pauwi sa condo ko dahil wala rin naman daw itong gagawin. Hinayaan ko nalang ito total busy rin naman ako sa pagmamanage ng negosyo namin na imemerge na sa kompanya ni Tito James. Yun ang balak niya kahit na hindi ko pa nababawi ang anak niya. May tiwala siya sakin kaya hindi ko siya kailangang biguin. Lumabas ako ng banyo at nadatnan si Hana na yakap yakap si Celina. May hawak itong paperbag pero nanatili ang tingin ko sa kanya. Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin. "Thank you for packing my things. Hindi na ako mahihirapang kunin ito. Alis na ako Hana." Tumalikod siya. Damn that girl! Ba't ba napakatigas mo?! "She went here to get her things RM. Akala ko talaga nandito siya para makipagbalikan sayo. She's still into her principles I g

