Umuwi rin kami sa condo. Pagod na pagod ang buo kong katawan kahit na wala akong gaanong ginawa sa party. Pagdadaldalan lang naman ang tangi kong nagawa doon. Tumayo na ako sa harap ng kama. Nasa gitna na ako ng pagbagsak ng sarili ko doon nang saluin ako ng halimaw kaya hindi natuloy ang pagbagsak ko sa kama. Ano bang nangyayari sa halimaw na 'to? Kanina pa siya! Napakaparanoid! "Don't fall yourself wife. Baka masaktan si Monsty pag humagalpak ka sa kama." Ibinalik niya ako sa pagkakatayo saka ako binuhat at maingat na pinaupo sa kama. Umismid lang ako sa kanya. Naiinis na naman ako sa mukha niya. Ewan ko ba kung bakit. "Dalhin mo lahat yung regalo nila dito sa kama. Bubuksan ko isa isa." Sumandal ako sa headboard. Kahit pagod ako ay naeexcite parin akong magbukas ng

