Naramdaman ko siya sa likuran ko na hinihimas ang likod ko habang sumusuka ako. Binuksan ko ang gripo para hindi niya makita ang isinuka ko. "Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? I think we need to go to the hospital wife. Nag-aalala ako. Baka napano kana." Nag-aalala niyang sabi. Uminom ako ng tubig para imumug saka ito iniluwa. "No! I'm fine! Bitiwan mo nga ako. Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo inangat sa ere yang remote hindi ako makakaramdam ng pagkaduwal! Alam mo namang ang rami ng kinain ko kanina." Nauna akong lumabas sa cr, nilagpasan ko siya. Kanina naiiyak ako tapos ngayon naiirita na naman ako sa halimaw na 'to. Pinapainit niya ang ulo ko. Dumeritso ako sa kusina. Nakasunod lang siya sa akin. Binuksan ko ang ref nang maamoy ko doon ang pizza

