Tiningnan ko ang screen ng phone ko habang nakababad ako sa bath tub. May 15 minutes pa naman bago tuluyang maging isang oras ng pag-alis niya. Kasama niya ngayon panigurado ang mga pinsan niya. Birthday narin kasi ni Julie bukas. Close ang babaeng iyon sa magpipinsan. Nang hindi ako makontento sa kakatitig sa napakabagal na takbo ng oras sa screen ng phone ko ay tinawagan ko na ito. Nakuha ko ang number niya sa ID niya. Mas mabuting may number ako ng halimaw na 'yon. Inilapit ko sa tenga ko ang phone ko. Nilaro ko sandali ang bula sa paligid habang pinapakinggan ang pagriring sa kabilang linya. Ilang sandali lang ay sinagot niya rin ito. "Nasan kana? Ba't ang tagal mo? Undies lang pinapabili ko sayo pero mukhang may iba kanang pinagkakaabalahan diyan! Umuwi kana." Salubong ko

