045 K A T H Hindi ko maiwasang mainis kay Callum dahil sa inakto niya kanina. Bakit ganun siya? Mag bibigay siya ng bulaklak pero parang wala lang naman sa kanya. Siguro para talaga yun kay Pauline kaya lang hindi siya sinipot kaya sa akin na lang niya ipinasa at pinuntahan na lang nila ako ng mga bata sa trabaho at duon niya ibinuhos yung inis niya. Nakakainis. Ano bang akala niya sa akin? Walang pakiramdam? Tapos ngayon gusto niyang makipag usap? Kausapin niya mukha niya. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi talaga magandang idea ang tumira dito kasama siya. Lalo lang kasi akong nahuhulog ulit sa kanya. Ewan ko ba. Ang hirap hirap para sa aking kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya. Kahit saan ako mag punta kahit anong gawin ko siya at siya pa din ang naiisip ko. Nakakainis na minsan. W

