040 C A L L U M "Siya si Nicholas Perez, anak ni Katharina Perez." Napatingin ako kay mom nang sabihin niya iyon. Lalong lumakas ang tahip sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalang iyon. May namuo na agad na tanong sa isip ko. "Nakita ko siya kanina sa labas ng restaurant, ang sabi niya hinahanap niya daw yung daddy niya. Hindi daw niya kilala ito pero may litrato siya ng kanyang ama. Nicholas, maari mo bang ipakita sa kanya yung litrato ng daddy mo?" Dahan dahang tumango yung bata habang umiiyak pa din. Inilabas nito mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na litrato... Litrato ko. Hindi ako makapaniwala. Pinag masdan kong maigi ang mukha ng bata. Kaya pala parang pamilyar siya, kamukha ko siya. Para akong nastatwa sa kinatatayuan ko. Bigla kong naalala yung Nicholas na binabanggi

