032 K A T H A R I N A Agad akong hinila ni Callum papasok sa kwarto niya at sinunggaban ng halik. Nuong una ay dahan dahan lang ang pag halik niya ngunit habang tumatagal ay palalim iyon ng palalim. Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok niya at walang pag aalin-langang tinugunan ang mga halik niya. Hindi ako basta napipilitan lang o ano.. Tinutugunan ko ang halik niya dahil iyon ang sinasabi ng isip ko at hindi dahil napipilitan lang ako at kailangan kong gawin iyon. Ayokong lokohin ang sarili ko. Alam ko sa puso ko na mayroon pa din siyang halaga sa akin. Meron pa din siyang malaking puwang sa puso ko na hindi na yata kailan man mawawala. Hindi ko alam kung bakit kami muling pinag tagpo. Sa lahat ng tao bakit siya pa? Pero hindi ko ikakaila na medyo nawala yung kaba at takot ko nung ma

