Chapter 3

1894 Words
003 Nakauwi naman ng ligtas ang dalawa mula sa kanilang pamamasyal. Talaga namang natuwa ang dalaga sa mga napasyalang lugar. Mula ng maulila ay hindi na kahit kailan niya nagawang mamasyal. Palagi na lamang siyang nag kukulong sa kwarto o sa loob ng bahay. Para kasi sa kanya ay wala ng rason para magpakasaya pa sya gayong ang kanyang ina lamang ang pinaka mahalagang bagay sa buong buhay niya nuon pero dahil wala na ito ngayon wala ng dahilan ang maging masaya pa siya. Maya't maya pa din siyang sinusungitan ng binata pero may mga pagkakataong lumalambot naman ito bigla. Sa kabila ng pag susungit nito ay alam ni Katharina ay may kalambotan din itong itinatago sa loob. Nakangiting sinalubong sila ng matandang Montemayor. "Kamusta ang lakad niyo? Nakapamasyal ba kayo ng maayos?" Nakangiting sabi ng Don. "Oo, Chris. Alam mo sobrang ganda pala ng hardin. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang lugar sa buong buhay ko. Napaka gaganda ng mga bulaklak." May kinang sa mga matang sabi ng dalaga. "Sabi ko naman sayo madaming magagandang bagay sa labas. Hindi mo dapat iyon pinalalagpas hindi matutuwa ang nanay mo kung makikita ka niyang nag mumukmok lamang sa isang kwarto. Kailangan mong gumawa ng paraan para pasayahin mo ang sarili mo. Hindi ka dapat habang buhay nag mumukmok dahil lamang nawalan ka ng isang bagay na sobrang mahalaga sayo. Marami pang bagay sa mundo ang mahalagang makita mo. Mag pakasaya ka." Naantig ang dalaga sa sinabing iyon ng kasintahan. Agad niya itong niyakap at nangingilig ang mga luhang ngumiti dito. "Susubukan ko Chris.." Tahimik lamang na pinakikinggan at pinanunuod ni Callum ang dalawa sa kanilang madramang eksena. Hindi niya napigilang mapangisi ng palihim. Naisip niyang napaka galing palang artista ng ipinalit ng kanyang ama sa kanyang ina. Gusto niya sanang sirain ang eksena ng dalawa ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang bastosin ang kanyang ama harap harapan. Sandali pang nag usap ang mga ito habang inip na inip naman ang binatang pinanunuod pa din sila. "Chris, kumain ka na ba?" "Tapos na ako sweety. Ikaw kumain ka na din." "Eh ang gamot mo ininom mo na ba?" "Oh that. I forgot about that." Natatawang sabi ng kasintahan. Napasimangot ang dalaga pagkarinig nuon sa kanya. "Fine, akyat na muna ako para mainom ko na ang gamot ko." Sabi ng matanda at umalis na ito ng sala ng may ngiti sa mga labi. Pumalakpak bigla si Callum pagkaalis ng ama. Agad namang nabaling ang atensyon sa kanya ni Katharina. Nag tataka ito sa biglang pagpalakpak na ginawa ng binata. "Magaling ka palang umarte. Bakit hindi mo kaya subukang mag artista. Malaki din ang kikitain mo dun pero sa bagay mas madali nga naman ang buhay mo dito." Nakangising sabi nito. "H-Huh?" Patakang tanong ng babae. Nahihimigan na niya ang nais nitong iparating pero nag desisyon syang mag bingibingihan na lamang. "Don't you get it? I don't like you for my father!" Napayuko ang dalaga sa sinabi ng binata. Alam naman niya na ayaw na sa kanya nito kahapon pa pero mas masakit pa din palang malaman iyon mula sa sarili nitong bibig. Wala naman siyang masamang intensyon sa ama nito ang gusto lamang niya ay ang mapasaya ang Don na minsang tumulong sa kanya mula sa pagkakadapa. Gusto lamang niya ibalik sa Don ang mga bagay na nagawa sa kanya nito. "S-Sorry.." "Kailan mo ba balak iwan ang dad ko? Pag nakuha mo na lahat ng yaman niya?" Parang gustong maiyak ni Katharina dahil sa pang huhusgang ibinabato sa kanya ng lalaki. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip nito ang iwan ang kasintahan. Hindi maaatim ng konsensya niya ang saktan ito sa kabila ng mga naitulong nito sa kanya. "Tell me Kath, how much is your rate?" Natigilan ang babae at pansamantalang hindi nakapag salita. Hindi niya alam kung dapat niya bang sagutin ang lalaki o hayaan na lang ito. Sa huli ay mas pinili niyang tumahimik. "TALK!" Nagulat siya ng biglang sumigaw ang kaharap. Mas lalo siyang nahirapang sumagot dito dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata nito. Napapikit na lang siya ng mariin ng bigla uli itong sumigaw. "PAG TINATANONG KA SUMAGOT KA!" "Tsk. Useless mouth." Eksaktong pag dilat ng mga mata ni Katharina ay ang pag lapit naman ng mukha ng binata sa kanya. Mabilis na nag lapat ang kanilang mga labi. Hindi rin naman iyon nag tagal dahil agad ding humiwalay ang lalaki. Nakangisi ang lalaki ng mag hiwalay sila. Walang pasabing umalis ito sa harap niya at nag lakad na papasok sa tinutuluyang kwarto nito. Hindi makapaniwala naman ang babae sa nangyari. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang kumalabog ang kanyang dibdib ng mga oras na yun. Hindi niya rin alam kung bakit ginawa ng lalaki iyon. Ang totoo niyan ay first kiss ng dalaga iyon at hindi siya makapaniwalang walang kahirap hirap na nakuha lamang iyon ng binata. Buong buhay ni Katharina ay ibinuhos lamang niya ang lahat ng pag mamahal sa kanyang ina. Hindi niya pa naranasang mag mahal ng isang lalaki kahit kailan. Masaya na siya at sapat na sa kanya ang pag mamahal na nakukuha sa ina. Ang nararamdaman niya para kay Chris ay isang pag mamahal lamang para sa isang taong tumulong at pinag kakautangan niya ng buhay. Mahalaga para sa kanya ito pero hindi niya nararamdaman ang pag mamahal na nararmdaman nito para sa kanya. Mahal niya ito dahil ito ang taong nasa tabi niya nuong mga panahong kailangan niya ng makakapitan. Handa siyang magpakasal dito dahil iyon lamang ang nakikita niyang paraan upang makabayad sa lahat ng nagawa nitong kabutihan sa kanya. Natutulalang umakyat si Katharina sa kanyang kwarto at agad na nahiga sa kanyang kama. Ramdam na ramdam pa din niya sa kanyang mga labi ang halik ng binata. Sariwa pa din sa kanyang ala-ala ang biglang pag kalabog ng kung anong bagay sa dibdib niya. Ngunit ng maalala ang mga binitawan nitong mga salita ay bigla siyang lumungkot. Siguro ay paraan lamang ng lalaki ang ginawa nitong pag halik para bastosin siya. Binuksan niya ang kabinet niya at may kinuha sa loob nito. Ang nag iisang larawan ng kanyang ina na naitago niya. Niyakap niya ito ng mahigpit habang unti unting nababasa ang kanyang mukha sanhi ng mga luha na pumapatak mula sa kanyang mata. Isa nanamang sandaling nasasabik siya sa kanyang ina. Mga sandaling nasasaktan siya dahil naaalala ang malagim na sinapit ng kanyang ina. Nuon ay akala niya hindi na siya magiging masaya pa ulit pero unti unti niyang nararamdamang maging masaya dahil kay Chris. Napaka laki ng tulong nito sa kanya. "Katharina, ang aga mo namang bumangon?" "Manang nakalimutan niyo na ho bang ako ang nag hahanda ng almusal para kay Chris?" Nakangiting sabi ng dalaga sa matandang sumalubong sa kanya pag pasok niya ng kusina. "Good morning pala manang!" Pag kuwa'y bati niya ng maalalang hindi pa siya nakakabati rito. Tumango at ngumiti ang matanda. Nag tulong silang dalawa na mag handa ng almusal para sa mag ama. Eksakto naman ng matapos sila ay nagising na din ang mag ama. Sabay itong dumating sa kusina. Agad namang inasikaso ni Katharina ang pag hahain ng mga pagkain sa dalawa ng may ngiti sa mga labi. "Good morning Chris!" Bati nito kay Chris. Binati din siya pabalik nito ng may ngiti din sa mga labi. Sunod na binati ng dalaga ang binatang walang imik. "Good morning din, Callum!" Bati niya dito pilit sinisiglahan ang tono. Sumagot lamang ng isang kiming tango ang binata at itunuon na ang atensyon sa pagkaing inihain ng dalaga. "This is what I am talking about... This girl really knows how to make me smile every morning. Tignan mo Callum, napaka maalaga pa. Ganyang babae ang gusto kong makatuluyan mo. Tignan mo na lang kami ng mom mo, hindi naging maayos ang relasyon namin dahil ang iyong ina ay talaga namang mataas ang tingin sa sarili. Napaka taas mangarap. Imbis na alagaan ako at ang mga anak niya mas piniling mag trabaho napaka tigas ng ulo ng mom mo na yun." Hindi nagustuhan ni Callum ang sinabi ng ama kaya't nag pantig ng husto ang kanyang tenga. "Mom 's a great mother! She's better than any other girl. She's a woman you should be proud of. That girl is nothing compared to mom so don't you ever dare compare my mom to that woman. My mom's obviously much better than her!" Matigas na wika ng lalaki na ikinagulat ng ama at ng kasama pa nila sa kusina na si manang. Napatungo naman si Katharin dahil sa sinabi nito. Parang bigla siyang napahiya kahit wala naman siyang ginagawa. "I'm not saying that—" "Stop dad! I don't want to hear your explanation." "CALLUM NICHOLAS! HOW DARE YOU TALK TO YOUR DAD LIKE THAT?" "Because you insulted my mother!" "I DON'T! Sinabi ko lang kung anong klaseng tao ang iyong ina. Wala akong sinabing—" "Ang ikompara ang isang kagaya ni mom sa isang babaeng tulad niyan—" tumuro siya sa direksyon ni Katharina na ngayon ay nakatungo pa din. "—ay isang malaking insulto!" Tuloy nito sa kanyang sinasabi. "Stop it, Nicholas!" "Chris.." Pinigilan ng babae ang dapat ay sasabihin pa ng kasintahan. Hindi niya maatim na makitang nag sasagutan ang mag-ama ng dahil lamang sa kanya. Ilang sandaling natahimik ang lahat bago muling umimik si Callum. "I'm sorry dad. Nabigla lang ako." Pag kuway sabi nito. Ngumiti at tumango naman ang ama kay Callum na ani mo'y nauunawaan siya nito. "I'm sorry too son. I know how close you are to your mom hindi dapat ako nag salita ng ganun against her." Pag hingi din ng paumanhin ng ama. Tumango lamang din si Callum dito. Hindi na din naitago ni Katharina ang kanyang ngiti ng makitang mabilis lang din na nagkaayos ang mag ama. Ang akala niya ay masisira na ang magandang relasyon ng dalawa ng dahil lamang sa kanya. Hindi niya siguro mapapatawad ang sarili kapag nagkasira ang dalawang ito. Sa isang banda ay may natatanaw siyang kalambotan sa puso ng binata. Matigas man ang emosyong pinapakita nito pero nakikita niyang may itinatago itong kalambutan sa loob. At napangiti siya ng dahil duon. Bigla nanamang nag laro sa kanyang isipan ang ginawang pag halik sa kanya ng lalaki kahapon. Dahan dahan at wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi habang nakatitig sa binata na ngayon ay ipinag papatuloy na ang pagkain. Eksakto namang napalingon sa kanyang direksyon ang binata. Halos masamid ito ng makitang nakatitig sa kanya ang dalaga habang nakahawak ito sa kanyang labi. Naalala niya ang ginawang pag halik dito kahapon. Kagabi pa tumatakbo sa isip niya ang sasandaling nag dampi ang kanilang mga labi. Napaka lambot at napaka tamis ng labi ng dalaga na tila kinaadikan na niya kahit minsan niya lang itong nalasap. Nag iwas agad ng tingin si Katharina ng makitang muntik masamid ang binata ng makita siya nitong nakatitig sa kanya. Agad na nag salin siya ng tubig sa baso at iniabot iyon dito. Atubiling tinanggap ng binata ang baso ng tubig at diretsyong ininom ito lahat. Pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon sa kinakain pilit na iniaalis sa isipan ang ginawang pag halik sa babae. Hindi pa din lubayan ng nasabing pangyayari ang kanyang isipan. Pilit na naiisip niya ang ginawang pag halik sa babae kahit na wala lang naman talaga ito para sa kanya. Ginawa niya lang iyon upang bastosin ito. Isa lang iyon sa mga paraang naisip niya para mapaghiwaly ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD