023 Katharina Palabas na ako ng building nang makatanggap ako ng message galing kay Calvin. Susunduin niya daw ako at wag daw akong aalis. Nag hintay ako sa kanya ng ilang minuto sa labas ng building nang huminto sa harap ko ang kotse ni Callum. Agad na pinanlakihan ako ng mata nang bumaba siya mula duon at lumapit sa akin. Anong ginagawa niya? Gusto niya bang may makakita sa amin at talagang may makakakita samin dahil nasa tapat lang kami ng kompanya niya. Umiling ako sa kanya nang tangka siyang lalapit sa direksyon ko. Agad naman niyang nakuha ang dahilan nang pag iling ko. Tumingin tingin siya sa paligid at tyka walang nagawang bumalik sa loob ng sasakyan. Hindi niya agad instart yung kotse niya at nanatili lang dun, ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng message galing sa kanya. '

