047 K A T H "Calvin" lumapit ako sa pwesto ni Calvin. May kung ano siyang ginagawa sa laptop niya. Ayoko sana siyang storbohin pero kailangan ko na talagang masabi sa kanya ang sasabihin ko. "Yes Kath? May kailangan ka?" Tanong niya. "Mag reresign na ako Calvin. Pasensya ka na kung biglaan ah. Ito kasi ang napag usapan namin ni Callum." "I don't understand. Why?" "Mag papakasal na kami Calvin." Masayang anunsyo ko. Gumuhit ang isang malawak na ngiti mula sa labi ni Calvin nang sabihin ko iyon. "Wow!" tanging nasabi niya. Alam ni Calvin na ito ang matagal ko ng gusto. Araw araw kasi nakukwento ko sa kanya kung gaano ko kagustong makasal kay Callum. Buti nga hindi siya nag sasawa sa pulit ulit kong kwento sa kanya na puro tungkol lang kay Callum. "I'm so happy for you Kath." Aniya.

