ZOEY TYLER NAALIMPUNGATAN ako nang kalabitin ako ni allister "Twin gising na nandiyan na ang sundo mo" she said, shaking me "Bumangon kana diyan" muling saad niya hindi ko siya pinapansin dahi inaantok pa talaga ako. "Twin, yung girlfriend mo nasa living room kanina ka pa hinihintay" usal niya pagkarinig ko pa lang sa pangalan ni stella agad akong napaupo sa kama. Ngayon ko naalala na pupunta nga pala kami sa hacienda na pagmamay-ari nang pamilya niya mabuti nalang pumayag ang parents ko na sumama kay stella. Isa sa dahilan ko kung bakit ako sumama gusto kong makalanghap ng sariwang hangin at sabi ni stella maganda daw doon kahit simple lang sigurado daw na mag i-enjoy ako. "Maligo kana tignan mo yang itsura mo mukha kang bruha nakakahiya kapag nakita ka ni stella baka maturnoff sa

