“Pinagsamahan? Really? Ang mga traydor na katulad mo ay dapat lang mabulok sa bilangguan!” Galit Kong Singhal Dito. Biglang nag ring Ang phone ko kaya pareho kaming napatingin sa bulsa ng pantalon ko. Hinayaan ko lang itong magring at dahan dahang lumapit Dito. Malapit na sana Ako nang biglang may nagpaputok kaya nagpagulong gulong Ako sa lupa at nakipagpalitan ng putok. Dumating na rin ang mga kasamahan ko kaya iniwan ko na Sila at hinabol si Sandoval. Mabuti Hindi pa ito nakakalayo kaya naabutan ko ito. Nagpangbuno pa kami pero Hindi rin nagtagal nahuli ko Rin Siya.
“I told you. Hindi ka na makakawala pa sa akin Ngayon”
“May Araw ka Rin sa akin Guerrero” Galit nitong sigaw.
“Bilis bilisan mo lang para Hindi ako maghintay ng matagal Sandoval” Sagot ko sa kanya. Kita sa mga mata niya Ang Galit. Kung hindi ko lang siya kailangan kanina ko pa siya tinudas.
“Dalhin niyo na ito sa quarter. Siguraduhin niyong Hindi ito makakatakas!.” Utos ko sa mga tauhan ko. “Mauna na kayo Doon. Susunod Ako. May pupuntahan lang Ako” dagdag ko pa.
“Boss, may sugat po kayo” Saad Ng Isang tauhan ko.
“Daplis lang ito. Alam niyo na Ang gagawin dito. Secure niyo ang mga evidence. Aalis na Ako. Magkita nalang Tayo sa quarter.”
“Yes Boss!” panabay nilang sambit. Nagmadali Naman akong umalis sa Lugar na yon. Pagkadating ko sa sasakyan tiningnan ko Muna Ang phone ko. Lalo Akong nainis nang mabasa Ang message nito kaya pinaharurot ko na Ang sasakyan ko.
Nilapitan Ako kaagad ng tauhan ko pagkadating ko pero Hindi ko ito pinansin at dere-derecho lang pumasok sa loob. Nakakabinging ingay ang tumambad sa akin pagkapasok ko. Nakita ko naman kaagad si Sandy sa Isang table Kasama Ang labanos na doctor na yon. Nagdilim ang paningin ko nang Makita ko itong hinatak ang labanos na doctor papuntang dance floor. Sumugod Ako sa dance floor at walang kaabog abog na binuhat si Sandy na parang Isang sakong bigas.
“Sino ka? Anong ginagawa mo! Ibaba mo ako!” hysterical na sigaw ni Sandy pero deadma ko lang ito. I really want to punish her right here right now. Sipa, kalmot, suntok at kagat na Ang ginawa Niya SA akin pero Hindi ko pa Rin ito Pinansin at nagtuloy tuloy lang palabas. Malapit na kami sa pintuan nang may humarang sa akin. Of course sino pa ba kundi ang nakakairitang labanos na doctor na ito at may Kasama pang mga bouncers.
“Back Off!” Galit Kong sigaw sa kanila Saka Sila tiningnan ng masama.
“Aalis kami Dito kung ibababa mo siya” sagot ng Doctor sabay turo Kay Sandy.
“Sir, please po sumunod nalang po kayo para walang pong gulo Dito.” Saad Naman Ng Isa sa mga bouncer.
“Look, she’s my Fiancee. I’m only punishing her for not behaving properly. I have every right to do this to my fiancee, right?” seryosong Saad ko habang matalim Silang tinitingnan. Hindi naman umimik ang mga ito kaya tuloy tuloy na Akong lumabas. Tuloy din ang pagsisigaw ni Sandy.
“Hayop ka! Ibaba mo ako Ngayon din!” pagsisigaw nito. Nang makarating na kami sa sasakyan padabog ko siyang nilagay sa backseat.
“You drive” utos ko sa tauhan ko. Tumalima naman ito kaagad.
“Ano bang problema mo!” sigaw ni Sandy pagkapasok ko.
“You. You are my problem. I told you to go home!” Galit ko ding sigaw dito.
“Wow! Home? Sino ka ba para magdesisyon sa buhay ko. Tinanong mo ba ako kung gusto Kong umuwi doon. Sabagay, Wala ka namang pakialam dahil abala ka sa pag aasikaso ng iba. Pero sabihin ko Sayo mas gustuhin ko pang magpalaboy laboy sa lansangan kaysa umuwi sa Bahay na yon!” Puno ng hinanakit nitong Sabi.
“Bat Hindi mo sinabi sa akin. I keep on calling you!”
“Pwede ba! Wag ka nga feeling concern Dyan. Wag mo lang Akong pakialaman sa mga ginagawa ko at Ganon din Naman Ako sayo. Wag Kang mag alala Hindi Naman Ako aatras sa napag usapan natin!”
“Ayoko lang lumalabas ka na may ibang kasamang lalaki. Ayokong may masabi Ang ibang tao tungkol sa fiancee ko!”
“FYI..Kaibigan ko yon! At Hindi lang kaming dalawa ang nandon. Kasama din namin si Abby!”
“Kahit na..lalaki pa Rin yon. Ano sa tingin mo Ang mangyayari kapag nalasing na kayo? Wala ka bang sense of pagiging delekadeza?” Masama Naman Ako nitong tiningnan pero Hindi ako nagpatinag. Kahit na masakit na Ang balikat ko tinitiis ko nalang. Pero biglang nitong dinakmal ang balikat ko Saka ito pinisil.
“Para Sabihin ko Sayo hindi Ako ganong klaseng babae at isa pa huwag mong itulad si Doc Sayo na manyak!” sigaw nito sa Mukha ko. Pero Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
“Bat Hindi ka makasagot? Kasi natamaan ka sa sinabi ko di ba?” dagdag pa nito. Nakahinga Ako ng maluwag nang bitawan Niya Ang balikat ko. Napasandal Naman Ako sa upuan.
“Oh my God! Dugo! Bat may dugo sa kamay ko! Hinawakan lang naman kita…Wait..” tiningnan naman nito Ang braso ko. Hindi pa ito nakontento tinanggal pa nito Ang jacket ko.
“Anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka sa braso mo?” nag aalalang Tanong nito pero dahil nanghihina Ako Hindi ko na ito magawang sagutin.
“May first aid kit ba kayo Dito?” dinig Kong Tanong Niya sa tauhan ko.
“What are you doing?” mahinang Tanong ko nang itaas Niya ang manggas Ng t-shirt ko.
“Ovious ba. Syempre gagamutin ko yang sugat mo.” Pilosopo nitong sagot.
“Im fine.” Saad ko at sumandal ulit sa upuan.
“Im fine...Wag ka nga. Tingnan mo nga yang Sarili mo. Para ka na ngang lantang gulay Dyan. Wag Kang mag alala, Nurse ako remember?” Hindi nalang ako umimik at hinayaan ko nalang siyang Gawin Ang gusto niya. Hindi ko namalayang nakatulog na Pala ako.
Nagising ako sa isang kuarto. Nakita ko si Sandy natutulog sa gilid Ng kama kaya dahan dahan akong bumangon saka ko ito dahan dahang binuhat at pinahiga sa kama. Mabuti nalang malalim Ang tulog nito kaya Hindi ito nagising. Dahan dahan naman akong lumabas sa kuarto.
“Sinabi ko na Sayo itigil mo na yang ginagawa mo” Saad ni Lolo pagkalabas ko Ng kuarto.
“Titigil lang Ako Lo kapag nakamit ko na Ang hustisya para Kay Mommy at Daddy”
“Paano si Sandy? Hindi mo ba naiisip na malalagay din sa panganib Ang Buhay niya? Ilang Araw nalang ikakasal na kayo baka nakalimutan mo”
“Don’t worry Lo, Hindi ko po hahayaang may mangyaring masama kay Sandy. Sige po, aalis po muna ako. Kayo po Muna bahala Kay Sandy.”
“Iiwan mo Ang fiancee mo dito? Kakarating niyo nga lang Dito kagabi. Isa pa sa linggo na yong Engagement party niyo.”
“Babalik din po Ako Lo, may tatapusin lang po ako” Saad ko Saka ko ito iniwan. Sinalubong naman Ako ni Abby pagkadating ko sa Sala.
“Boss, sorry po. Hindi ko po nasagot ang tawag niyo kagabi.” Nakayukong sabi nito.
“Ayokong mangyari pa ulit yon. I know magbest friend kayo but your also working for me. I want you to report lahat Ng mga ginagawa ni Sandy. That’s your job. Sagutin mo lahat Ng mga tawag ko dahil anytime tatawag Ako kung may kailangan akong ipagawa sa Inyo.” Mahabang litanya ko.
“Yes po Boss” sagot nito kaya nagtuloy tuloy na akong lumabas.
“Anong progress?” Tanong ko Kay Reggie, isa sa mga tauhan ko, pagdating ko sa quarter.
“Matigas Boss, ayaw magsalita” Sagot nito. Tinungo ko Ang room kung saan nakakulong si Sandoval. Tulog pa ito pagkadating ko sa room.
“Gisingin mo.” Utos ko kay Reggie. Tumalima naman ito kaagad at walang kaabog abog na binuhusan ng tubig Ang natutulog na Sandoval. Bigla naman itong bumangon dahil sa pagkagulat.