“Put****na! Sinong gumawa non?” Galit nitong sigaw.
“Mabuti gising ka na” sarkasmong Saad ko.
“Gising? Ginising kamo. At walang manners itong mga tauhan mo. Yon ba Ang itinuro mo sa kanila?”
“Sayo lang, dahil Ang katulad mong mamamatay tao ay Hindi dapat nirerespeto!” may diin Kong Sabi habang nagtatangis Ang mga bagang ko.
“Whoa..easy Guerrero. Wala Kang evidence para patunayan yang sinasabi mo!” natatawa nitong Sabi.
“Yon Ang Akala mo Sandoval. Sisiguraduhin Kong mabubulok ka sa kulungan! Pero sa Ngayon may kailangan pa ako Sayo kaya Hindi ka pa makakaalis dito” humagalpak pa Lalo ito ng tawa.
“Wala Kang makukuha sa akin Guerrero kahit patayin mo pa ako!” Natatawa pa rin nitong Sabi.
“Let’s see Sandoval. Darating din Tayo don pero Hindi pa Ngayon. Pero kung hindi ka magcocooperate mapapabilis ang kahilingan mo” nakangisi Kong Saad dito. Sumeryoso naman itong tumingin sa akin.
“Sinabi ko na Sayo Wala Kang mapapala sa akin!”
“I know. Pero kawawa Naman Ang family mo. Balita ko nasa kinder na Ang little girl mo. Since Hindi ka makavisit sa kanila Ako na Ang bumisita para Sayo” nakangisi Kong Sabi.
“Hayop ka Guerrero! Anong ginawa mo sa kanila?” sigaw nito at nanlilisik pa ang mga matla nito.
“Don’t worry Sandoval, nagpakilala Akong kaibigan mo. Gusto mong Makita ang mga pictures namin? Your little girl is very sweet.”
“Kapag may mangyaring masama sa kanila Guerrero ililibing kita ng buhay!” Humagalpak Naman Ako ng tawa.
“Just answer my questions or else Hindi mo na makikita Ang mag Ina mo!” seryoso Kong Sabi. Hindi Naman ito umimik at nakipagsukatan lang ng tingin sa akin.
“Sinabi ko na Sayo Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo!”
“Pero may alam ka sa nangyari sa kanila. Gusto kong Sabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo!”
“Ang alam ko lang nagkita Ang mga magulang mo sa kanilang kaibigan na si Mr. Valdez. Nandon ka nong time na yon, siguro 10 years old ka pa lang non. Kung naaalala mo yong batang babae na nakalaro mo noon, anak nila yon.” Pilit ko Namang inaalala ang mga sinasabi niya pero dahil sa matagal na ito at Bata pa Ako non Hindi ko na ito maalala.
“Nong pauwi na Ang mga magulang mo, nasa byahe pa lang Sila nang biglang sumiklab ang sinasakyan nilang sasakyan. Hindi ka nila nakasama dahil isinabay ka na ng Lolo mo pauwi.” Napakuyom Naman Ako ng kamao ko nang marinig ko Ang pinagsasabi nito.
“Sinong gumawa non? Sabihin mo!” sigaw ko sa kanya.
“Hindi ko alam”
“Bodyguard ka nila! Bakit Hindi mo alam?” sumbat ko. Alam ko Isa Siya sa bodyguard ni Dad.
“Hindi ko rin alam paano nangyari yon. Hanapin mo ang kaibigan ng Daddy mo na si Mr. Valdez siguradong may alam Siya sa nangyari sa mga magulang mo.”
“Anong ibig mong Sabihin?”
“Hindi Ako sigurado pero baka may kinalaman ito.” Nagulat Ako sa sinabi Niya pero may posibilidad din. Sa pagkakaalam ko naglaho din Ang mga ito na parang Bula nong mangyari ang trahedya nila Dad.
“Boss, pinapatawag niyo po Ako.” Saad ni Axel. Siya Ang pinakamagaling sa mga tauhan ko pagdatiing sa paghahanap Ng tao. Bumalik Ako dito sa office ko pagkatapos kong makausap si Sandoval.
“Axel, come in” agad Naman itong pumasok. “I want you to find them asap” utos ko sabay abot sa Isang folder. Binuksan Naman nito kaagad Ang folder.
“Okay po Boss”
“Timbrehan mo Ako kahit isa man lang sa kanila Ang mahanap mo” Saad ko. Mabuti nalang may nakuha akong litrato nila.
“Masusunod po Boss” sagot nito at nagpaalam na.
Sandy POV
Nandito kami Ngayon sa hotel para sa engagement party namin ni Mavvy. Pero ang walang hiya Hindi man lang nagpakita simula noong nangyari sa bar hanggang Ngayon. Nagising nalang Ako non Wala na sa kama ang binabantayan ko. Ano kayang nangyari don. Saan Niya nakuha ang sugat Niya na yon. Ang alam ko Mula sa pagkakabaril ang sugat Niya na yon. Hindi kaya Patay na Ang walang hiyang yon kaya Hindi na nagpapakita sa akin? Ibig Sabihin walang engagement na magaganap?
“Hoy Sandy, lutang ka na Naman. Anong nangyari Sayo? Kanina ka pa kinakausap Ng make up artist oh.” Untag ni Abby.
“Ha? Ano yon?” nalilitong tanong ko.
“Ay lutang nga! Sabi Ng make up artist tapos na daw Siya. Magbibihis ka na daw”
“Pero Teka Abby, Wala bang sinasabi Sayo kung tuloy o Hindi ang engagement party?”
“Ano? Wag mong Sabihin Ngayon ka pa aatras kung kailan nandito na Tayo”
“Hindi sa ganon. Pero Wala pa kasi si Mavvy di ba?”
“Wag Kang mag alala. Papunta na yon kaya Sige na magbihis ka na dahil naghihintay na Ang mga bisita.” Napabuntong hininga Naman Ako at sumunod nalang din.
Pagkatapos kong magbihis pumunta na kami sa venue. Nakita ko si Lolo sa Isang table kaya pinuntahan ko ito.
“Iha, mabuti nandito ka na. Pero ang magaling mong Fiancee Hindi pa dumating.
“Baka late lang po Siya Lo. Hintayin ko nalang po siya sa may Entrance Lo at para e-welcome na rin Po ang mga bisita.” Saad ko nalang.
“Sige Iha. Mabuti pa nga” tumayo naman Ako at tinungo ang Entrance. Nakangiti Kong sinalubong Ang mga bisita na sunod sunod na nagsidatingan. Mayamaya dumating Sila Mommy at Daddy.
“Wow anak, Ang Ganda mo Lalo ngayon” mangiyak ngiyak na Sabi ni Mom. “Hindi pa rin Ako makapaniwalang ikakasal ka na anak” dagdag pa nito.
“Ano ka ba Mom. Wag ka na pong umiyak” Saad ko. Niyakap Naman Ako nito kaya niyakap ko din siya ng mahigpit.
“Nasaan ang Fiancee mo anak?” Tanong ni Mom at nagpalingalinga pa sa paligid.
“Wala pa po Mom, baka natraffic lang po” sagot ko.
“Sige na Gladys, Mauna ka ng pumasok sa loob” sambit naman ni Dad. Tumango naman si Mom at pumasok na sa loob.
“Sana Hindi masama ang loob mo sa akin. Ginawa ko ang lahat ng ito para protektahan ka kahit alam Kong nasasaktan na kita. Pero Yon lang Ang alam Kong paraan para Hindi ka mapahamak.” Makahulugang Saad ni Dad na nagpagulo sa akin.
“Ano pong ibig niyong Sabihin?” naguguluhan Kong Tanong sa kanya.
“Hindi pa Ngayon Ang tamang panahon para Sabihin Sayo Ang lahat. Sana handa ka na pagdating ng panahon na yon. At sana maintindihan at mapatawad mo ako sa mga ginawa ko Sayo anak.” Madamdaming saad ni Dad kaya nangilid na Naman Ang mga luha sa mata ko. Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag Niya Akong anak kaya nagulat Ako. Magtatanong pa sana Ako pero pumasok na ito sa loob.
‘Ano bang ibig Sabihin nong mga sinasabi ni Dad kanina?’ Tanong ko sa sarili ko. Nasa ganong pag iisip Ako nang dumating Naman Ang mga Kapatid ko.
“Tanya, Trisha..mabuti nakapunta kayo” Saad ko sa kanila.
“Gusto ko lang Naman masaksihan ang pagiging miserable mo. Knowing how pangit your Fiancee. Anyway, speaking of Fiancee, nasaan Pala Siya? Don’t tell me Hindi ka niya sinipot or ayaw niyang magpakita sa mga tao dahil sa pangit Niyang pagmumukha?” kantyaw ni Trisha at nagtawanan pa silang dalawa. “Sayang, nag ayos ka pa” palatak pa nito kaya napakuyom ang kamay ko.