“Hon, sorry I’m late.” Sambit ng Isang lalaki sa likuran nila Trisha kaya napatingin Ako Dito. Pati sila Trisha lumingon din. Nakita ko si Mavvy na parang Greek God na nakatayo sa harapan ko. Sobrang guapo ito sa kanyang suot kaya Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko Ngayon. Parang slowmo Naman itong lumapit sa akin kaya Lalo akong napapatulala. Naramdaman ko Ang paghalik Niya sa pisngi ko kaya nahimasmasan Ako. Umabot yata sa 40 degrees Ang temperature ko dahil sobrang init ng nararamdaman ko.
“Are you waiting for me Hon?” tatango tango naman Ako.
“Lets go inside. I’m sure they’re waiting for us” sabay lahad ng kamay.
‘Hoy ilusyunada, tumigil ka nga. Nakalimutan mo bang nagpapanggap lang kayo?’ kastigo ng utak ko na nagpagising sa akin..Oo nga Pala. Siguradong nagpapanggap lang ito Ngayon kaya sabayan ko nalang at susulitin ko na. Tinanggap ko Ang nakalahad niyang kamay Saka matamis na ngumiti sa kanya. Nakita ko pa Ang shock nila Trisha at Tanya bago kami pumasok sa loob.
Pagkapasok Namin sa loob Nakita ko si Lolo na nasa stage. Nasa unahang table naman sila Mommy. Kahit na pagpapanggap lang ito Masaya pa Rin Ako na kompleto ang pamilya ko.
“Good Evening everyone. I’d like to thank you for spending your time in this great moment of our family as we celebrate the engagement of my Grandson Maverick Guerrero to her fiancee Sandy Gonzales. Let’s give them a big congratulations applause” nakangiting Saad ni Lolo. Inalalayan Naman Ako ni Mavvy papuntang stage. Niyakap Naman Ako ni Lolo pagkadating Namin sa stage.
“Congratulations! I am so happy to welcome such wonderful and beautiful woman into our family. I wish nothing but the best for your future together.” Dagdag pa nila. Kung totoo lang ito siguro napakasaya ko Ngayon Kasi ramdam ko talaga ang mainit na pagtanggap ni Lolo sa akin. Feeling ko tuloy maiiyak na ako. Pero naudlot ang pag eemo ko nang may Isang taong pumalakpak.
“Magaling, magaling” napalingon Naman kami sa kinaroroonan nito. Nakita ko si Trisha na nakatayo habang sinasaway ni Mom.
“Apologies Don Guerrero for messing this party. Gusto ko lang pong ipaalam sa Inyo na yang babaeng Yan ay Hindi tunay na Gonzales. Isa lang siyang sampid sa pamilya namin!” sigaw ni Trisha habang nakaduro sa akin. Kita ko Naman Ang pagbubulungan ng mga bisita. Pagtingin ko Kay Lolo kita sa pagmumukha Niya Ang Galit kaya nakaramdam Ako ng takot.
“Isa pa po, Ako po dapat ang fiancee ng apo ninyo pero sinulot ng babaeng Yan dahil alam niyang mayaman Ang pamilya ninyo.” Dagdag pa nito
“Alam mong Hindi totoo Yan!” Sigaw ko sa kanya.
“Trisha ano ba yang pinagsasabi mo?” saway ni Mom.
“Bakit? Totoo naman ah. Ako Naman talaga dapat ang ipapakasal sa apo ni Don Guerrero”
“Stop it!” sigaw ni Dad Kay Trisha. Nagulat naman si Trisha sa ginawa ni Dad.
“Ano Dad? Pinapaboran mo na Ang babaeng Yan!” mangiyak ngiyak na sigaw ni Trisha Kay Dad.
“How dare you!” Galit na sigaw ni Lolo habang nakaduro Kay Trisha.
“Pero, totoo ang sinasabi ko!” Matapang na sagot ni Trisha. Lumapit Naman si Dad at biglang sinampal si Trisha na nagpagulat sa akin. Ngayon ko lang Nakita si Dad na nagalit Kay Trisha.
“I said Stop it!” gigil na Sabi ni Dad. “Pasensya na po Don Guerrero sa inasta ng anak ko” hinging paumanhin ni Dad. Di Naman makapaniwala si Trisha sa ginawa ni Dad. Sapo Ang pisngi tiningnan Ako nito ng masama.
“Kasalanan mo to!” sigaw ni Trisha sa akin.
“Look, sa kagustuhan Kong maikasal ang apo ko nag setup ako ng arrange marriage but it doesn’t mean Ako ang masusunod. Maraming beses ko na itong ginawa pero Hindi pumapayag ang apo ko, ngayon lang Kay Sandy. Sa tingin mo ba kahit na Ikaw Ang ipinagkasundong fiancee para sa apo ko ay papakasalan ka niya? Ang apo ko pa Rin Ang magdedecide kung sino Ang gusto niyang pakasalan.” Malumanay na sabi ni Lolo. Nanlaki Naman Ang mga mata ni Trisha tila di makapaniwala sa narinig Niya.
“What?” naguguluhang Tanong ni Trisha.
“Tama si Lolo” sambit ni Mavvy kaya napatingin ako sa kanya. “Marriage is not for fun and play or for convenience. I despise Lolo for setting up my marriage because I’m not ready yet until I met Sandy that somehow change my perspective in life.” Saad ni Mavvy habang nakatingin sa akin. Kung Hindi ko lang alam ang kasunduan namin malamang kinilig na Ako.
“This is bullshit!” sigaw ni Trisha sabay talikod.
“Wait! I’m not yet done.” pigil ni Mavvy Dito. Tumigil Naman si Trisha at humarap na nakangisi.
“I know you can’t reject my beauty” malanding Saad ni Trisha.
“I don’t see the beauty in you. The ugliness of your heart can be seen through your face.” Sambit ni Mavvy na nagpapula sa Mukha ni Trisha dahil sa pagkapahiya.
“Eh di magsama kayo!” Galit na sigaw nito Saka padabog na umalis. Ngunit nakailang hakbang pa lang ito ay hinarang na Ang mga ito ng mga kalalakihan. Siguro mga bodyguards ito ni Mavvy. Nahintakutan namang lumingon si Trisha sa kinaroroonan namin.
“What’s the meaning of this?” Galit pa Rin na sigaw ni Trisha.
“Do you really think I will let you off that easy after screwing up my Engagement party?” nakangising Tanong ni Mavvy. Nakaramdam Naman Ako ng kilabot sa paraan ng pagngisi nito. Yong Galit sa mukha ni Trisha ay napalitan ng takot.
“What—what do you mean?” utal na Tanong ni Trisha.
“Well, mapapalampas ko pa ang pangugulo mo sa Party Namin pero Ang ginawa mo sa finacee ko ay hinding hindi ko mapapalampas. I’ll give you 5 seconds to apologize to her”
“Huh! Bat ko Naman gagawin yon! Nararapat lang sa kanya yon at Isa pa totoo Naman Ang sinabi ko!”
“Totoo? Lahat sa pamilya mo alam ang totoo mas Lalo ka na. Ayaw mo sa kasunduan kaya hinanap mo si Sandy para Siya Ang tutupad sa kasunduan. Kanina lang kung makalait ka sa akin wagas pero nong Makita mo na Ako Bigla ka nalang nanggulo na Akala mo Ikaw Ang biktima. Para Sabihin ko Sayo, kahit Ikaw pa ang ipagkasundo sa akin ni Lolo hinding hindi ako papatol Sayo!” Halos magkulay kamatis na si Trisha dahil sa Galit.
“Time’s up! Binigyan kita ng pagkakataon pero mas pinairal mo ang pride mo. Tingnan natin kung Hanggang kailan tatagal Ang pride mo” seryosong sabi ni Mavvy. Hindi na sumagot si Trisha at padabog pa itong umalis. Sumunod din sa kanya si Tanya. Naawa naman Ako Kay Mommy. Alam Kong malungkot Siya Ngayon dahil sa nangyari.