Pag datig namin sa Canteen ay laking gulat ko ng si Xyrks agad ang aking nabungaran, kasama nito si Dark, ang aming Professor, prenting naka upo malapit lamang sa cashier, hindi pa ako nito nakikita ng pag pasok palang naming tatlo ng aking mga kaibigan, ngunit ng malapit na kami sa stand kung saan naroon ang mga naka display na mga pagkain ay agad itong tumayo ng makita ako, kaya hindi agad ako naka galaw, ang mga kaibigan ko naman ay nanlaki ang mga mata sa gulat, niyugyg pa ng dalawa ang magkabilaan kong kamay. "OMG!, Diamond, siya iyong naka video call ni sir kanina diba at titig na titig sayo"? tanong ni Aireen ngunit hindi ko ito masagot sagot dahil napako na ang aking tingin kay Xyrks. tumayo ito at lumapit sa amin ngunit tila na pepe na yata ako at walang namutawi sa aking bibig

