Matapos maihatid ni Xyrks ang dalaga sa Mercado ay agad na pinaharorot ang sasakyan papunta sa bukirin kong saan naroon ang kaibigang si Dark, inanyayahan ni Dark ang kaibigan para maka langhap ng preskong hangin bago sila sasabak sa trabaho. ngunit hindi nag tagal si Xyrks sa bukirin at dumeritso ito sa sinabing Luandry shop ng dalaga kung saan ito nag ta'trabaho, kahit na malinis ang damit ay pinalaba nito ito sa naturang laundry.
"s**t! why is she not here" ani Xyrks sa kanyang isipan, hindi nito nakita ang dalaga sa laundry na sinabi nito, nagpa linga linga na ito ngunit hindi mahagilap ng tingin ang dalaga, nakahinga lang ito ng maluwag ng bumukas ang pinto at bumungad dito ang dalagang bagong dating at may bitbit na kaldero, naka bihis na ito ng spaghetti strap na kulay itim saka naka short ng above the knee, hindi naman masyadong kaiklian, ngunit napalunok si Xykrs ng sariling laway ng mapadapo ang tingin nito sa dibdib ng dalaga, nag uumapaw ang dibdib nito, gusto pa sana nitong maka usap ang dalaga ngunit mas pinili ni Xyrks ang umalis nalang baka hindi mapigil ang sarili at malakumos niya ang nakakapang akit nitong labi at pagsawain ang mga palad sa mayayaman nitong dibdib.
kaya ang ginawa nito ay umalis nalang at inagahan ang pag punta sa shop ngunit hindi ito nag park sa mismong shop kundi sa katabi nitong building, ng makita ang dalaga ay kinunan niya ito ng litrato habang nag lalakad at papasok sa shop hindi naman malalaman na pasekreto niya itong kinunan dahil tented naman ang kanyang sasakyan na ginamit at mas lalo pa itong natuwa dahil kilala niya ang uniporming iyon. Alam niya ang paaralan na pinapasukan nito, pag aari ng pamilya ng kaibigag si Dark.
alam niya na kung saan niya ito hahanapin.
"Akin kana mula ngayon, you will be my wife." ani Xyrks habang nakatitig sa litrato nito at ginawa pang wallpaper.
hhindi nag tagal ay may dumating nanisang SUV at napakunot ang noo ni Xyrks ng makitang naka ngiti ang dalaga na pumasok sa naturang sasakyan kaya sinundan niya ito at doon niya napagtanto na nakisakay lang ito dahil nakita rin ni Xyrks ang mga kasama nitog dalawa pang babae ng bumaba ang mga ito.
agad na tinawagan ni Xyrks ang kabigan ang tinanong ito, ngunit hindi ala ni Dark kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.
"How will i know that Woman bro? do you have her photo? " ani Dark sa kaibigang bigla yatang na baliw sa hindi niya malamang dahilan, bigla nalang ito nag hanap ng babaeng hindi niya kilala kung sino.
"Yeah, i got her stolen while she's walking towards the laundry". deritsahang tugon ni Xyrks na ikinagulat naman agad ni Dark.
"Wait what? Laundry?" biglang kinabahan si Dark baka ang tinutukoy nito ay ang kanyang nobya na kapatid ng kanyang estudyante, pero imposebli dahil byernes palang ngayon at bukas pa ang duty ng nobya nya sa naturang laundry para ,ag extra. naka hinga lang ng maluwag si Dark ng senend na ni Xyrks ang naturang litrato sa whats'app nito.
nakahinga nga ng maluwag ngunit nanlaki naman ang kanyang mga mata ng mapagsino ang nasa naturang litrato, walang iba kundi ang kanyang estudyante at nakakatandang kapatid ng kanyang nobya, si Diamond april.
"I send you already". maikling tugon ni Xyrks.
"Yeah i see." ani Dark.
"What now, did you know her? f**k! tell me bro. walang hiyang tanong nito.
"Hey! she's my student and the older sister of my girlfriend, Don't include her in your collection bro, she's very kind, innocent and responsible". deritsahang tugon ni Dark, napahilot pa ito sa sintido sa hindi malamang dahilan. kilala niya ang kaibigan/pinsan, sila lang ang nakakaalam sa kung ano talaga ang buhay ni Xyrks, ultimo ang nanay nito na titah niya ay hindi alam na sumunod sa yapak ng ama nito si Xyrks at Cyrus.
"No, I dont, i will make her my Queen". ani Xyrks.
"Queen my ass, bye, i have a class now, they're her in my class now, talk to you later." hindi na nag hintay pa na makasagot ang kabilang linya at agad na pinatay ni Dark ang tawag saka napatingin sa mga bagong dating na bumati sakanya.
nang matapos ang klase ni Dark ay agad na lumabas si Diamond para habulin ito.
"Prof. excuse me," nahihiyang sabi ni Diamond.
"What is it miss stone?" pormal na tugon naman ni Dark.
"Ahm, pwde po bang makisuyo po?" naka yuko nitong tugon.
"Para saan? kung kaya ko naman walang problema." ani'to kaya napa angat ng tingin si Diamond at napangiti.
"Pwede po bang paki abot sa kapatid ko? sabay lahad sa kamay nitong may subre, baka po magkita kayo bukas ng umaga po, pasuyo po ako paki bigay po kay Ruby." agad na tinanggap ni Dark ang subre saka pinaloob sa bulsa ng coat nito.
"Walang problema, ano pala ito at naka sobre?" ani Dark ngunit hindi ito nag abalang tingnan kung ano ang laman.
"Pera po, para po sa kanilang apat na mga kapatid ko po." ani Diamond.
"Bakit hindi mo binigay sa Mama mo?" usisa pa nito.
"Meron naman po akong binigay kay Mama po, para sa pang araw araw nila, iba rin po iyan para lang po talaga sa mga kapatid ko, baka may gusto sila bilhin sa paaralan nila, alam ko po na sakto lang po ang pang araw araw na baon ng mga kapatid ko." nahihiyang tugon ni Diamond.
"So kaya ka nag titipid ng pagkain para may maibigay ka sakanila?"
"Hindi naman po Prof. may mabuting puso lang po na nag bigay ng balato sa daan, kaya binahagi ko rin po sa mga kapatid ko, saka may sahod naman po ako sa laundry kada araw po, nakakapag tabi naman po ako."
"Okay". ani Dark bago ito nagpaalam kay Diamond, at pumasok narin si Diamond sa classroom ng mga ito.
"Wala yata si Ma'am, anong oras na". ani Aireen. nangunot naman ang noo ni Diamond at napa isip, nag tagal kaya ako sa labas ani'to.
hindi nga dumating ang pangalawa nilang guro hanggang sa mag breaktime kaya nag pasya silang bumaba na sa gusali at mag tungo sa canteen para makapag meryenda, as usual kanin na naman at pinakbet ang inorder ni Diamond at isang sakto ng sprite, habang ang kanyang mga kaibigan ay burger at fries ang inorder ng mga ito saka smoothie ang drinks.
"Si Prof Dark, may kasamang pogi". ani Aireen kaya napa angat ako ng tingin at ganon nalang ang panlalaki ng aking mga mata ng mapagsino ang kasama nito, titig na titig pa ito sa akin kaya kinabahan ako. bakit ba palagi ko itong nakikita ngayong araw.
Agad kong binalik ang aking attention sa pagkain at binaliwala ang presensya ng bagong dating, habang nag uusap ang mag pinsan ay hindi ko pinansin ang mga ito at nag focus lang ako sa aking kinakain, hanggang sa naramdaman ko ang bulto ng dalawang tao na umupo sa katabi naming lamesa, tahimik lang rin ang mga itong kumain.
hanggang sa matapos kami ay hindi ko talaga nilingonang dalawa sa katabing lamesa, bahala silakung ano ang isipin nila, wala akong paki.hanggang sa maka balik kami saaming classroom, mabuti nalang at hindi na pinag usapan ng dalawa ang nakita namin sa canteen.
sumapit ang linggo ay nag day off ako, nagpa alam akong uuwi sa baryo para ipasyal ang aking mga kapatid, mabutinalang at nag bago ang patakaran ng shop, tumawag ang aming amo at sinabing sa araw daw ng linggo ay pahinga naming lahat, kaya laking tuwa namin, lalo na si tiyang, mula ng mag bukas ang shop ay hindi sila nakakapag day-off ng sabay sabay, ngayon lang talag, pati si Mamang ay tuwang tuwa dahil may oras na siya para sa aming pamilya.
Pag dating ko sa Baryo ay tuwang tuwa ang aking mga kapatid, agad akong nagpa alam sa aming mga magulang na ipapasyal ko ang mga ito sa Central, ang nag iisang mall sa bayan, inaya ko sila Mamang at Papang pero tumanggi ang mga ito dahil gusto ay magpahinga, sa susunod nalang daw sila sasama, kaya kaming Limang magkakapatid nalang ang umalis.
"Ate maraming salamat nga pala sa binigay mo". nakangiting ani ni Ruby.
"Wala iyon". tugon kong nakangiti.
"Ate talaga ba mamasyal tayo?" ani Zircon at tinanguan ko ito.
ng nasa Central na kami ay dumeritso muna kami sa bilihan ng cellphone at iyong mumurahin lang ang pinili ko para maibili ko ng mga damit ang mga kapatid ko, okay na itong de keypad, importanti may cellphone, ani ng aking isip.
"Miss, hindi na uso ang keypad na cellphone ngayon". sabi naman ng sales lady kaya nginitian ko ito bago sinagot.
"Okay lang po ate, importanti may cellphone, saka pang tawag lang po sa pamilya ko at pang alarm, walang especial na pag gagamitan." ani ko.
"Bakit wala ka bang boyfriend?" osyoso pa nito kaya napa ngiwi ako bago lumingo lingo.
"Ano!? sa ganda at sexy mo yang, wala kang boyfriend?" gulat pa nitong sabi. napa ngiti naman ang mga kapatid ko.
"Magkano po?" tanong ko.
"500 lang yang Samsung na dekeypad neng". sagot agad nito kaya subrang tuwa ko at agad na binayaran ang sales lady, doon narin ako bumili ng simcard sa mismong shop stall nila.
"Kain muna tayo". aya ko sa mga kapatid ko habang naglalakad kami.
"Ate sa jollibee tayo please". ani Alexandrite, kaya tumango ako agad, pangarap namin ito noon na makakain sa Jollibee, finally matutupad na ngayon. masaya kong pinagmasdan ang mga kapatid ko habang kumakain kami, first time ko rin na kumain dito sa Jollibee, ewan ko lang dito kay Ruby.
matapos kumain ay naglakad na kami patungo sa Department store at namilo ng mga damit, magka tabi kami ni Ruby at masayang namimili ng makarinig ako ng pamilyar na boses, at sapag lingon ko ay si Prof. dark pala ang tumawag na "Babe" kay Ruby, nanlaki pa ang mga ni Ruby at agad na dumapo ang tingin sa mga kapatid naming busy sa pagtingin tingin ng mga damit sa hindi kalayuan, at hindi pala nag iisa si Prof. Dark may kasama itong Tatlong lalaki, puro matatangkad at gwapo.
"Magandang araw po Prof." agad kong bati ng maka lapit ang mga ito samin.
"Ate". dinig kong boses ni Peredot habang papalapit sa aming gawi, ang dalawang lalaki namimg kapatid ay nasa may sapatosan ang mga ito at nagsusukat ng lingonin ko. at sa pag harap ko ay naka salubong ko agad ang titig na titig na mga mata ng isang taong may brow cut sa bandang dulo. ang kasaa ni Prof. sa canteen at nag bigay sakin ng pera nakraang araw. may kasama pa itong dalawa, ang isa ay kamukhang kamukha niya, ag isa naman ay busy sa cellphone at walang paki alam sa mga kasama nito, para bang napilitan lamang sumama.
"Mga kapatid ko pala Sir, si Ate Diamond at Peridot." dinig kong pakilala ni Ruby sa amin.
"Hala! Sir mo Ate?" si Peridot, agad naman na tumango si Ruby.
"Magandang Araw po sainyong Sir". magalang na pag bati ni Peridot dito.
"Magandang araw din sainyo.
"By the way, my cousins. Yvo, Xyrks and Cyrus." pakilala nito sa mga kasama. nakipag kamay pa ang mga ito sa amin.
"Hi Perid" hindi natapos ang sasabihin sana nung Cyrus ng magpakilala ito sa aking kapatid ng biglang pinutol nito ang sasabihin.
"August, ako si August." ani Peridot na ikinalaki ng mga mata namin ni Ruby, attitude talaga ang isng to.
"Eh sabi ng ate mo Peridot." sagot naman nung Cyrus habang hawak ang kamay ng kapatid ko.
"Bakit kapatid ba kita para tawagin ako sa palayaw ko". maldita nitong tugon. nakakhiya ang isang to, nagsungit pa talaga. kaa napailing kami ni Ruby, habang ang tatlong lalaki naman ay may nakakalokong ngiti.
"Ayun naka hanap ng katapat". dinig kong bulong nung Yvo na kasama nila.