THIRD PERSON'S POV Pag pasok ni Barbie sa kanilang bahay ay agad napako ang paningin nito sa isang ginang na umiiyak sa gilid ng Inay Cornilla, naagaw lamang ang pansin nito ng biglang may sumigaw ng ate Diamond at lumuluhang lumapit sa kanya ang dalawang dalaga. "Ate Diamond" hikbi ng dalawa habang nakayakap ang mga ito kay Barbie, ng maka huma ang dalawa ay nakipagtitigan ang mga ito kay Barbie at bigla nalang itong sumigaw ng sumakit ang ulo nito, kaya nataranta silang lahat. "Ate, ate, Anak" panabay na sambit ng mga nasa sala, nag unahan pa sa pag lapit si Ellah at Nay Cornilla, hanggang sa hinimatay si Barbie, kaya binuhat ito ni Ruby at Peridot saka dinala sa kwarto, hinayaan na muna nila itong makapag pahinga, kaya bumalik sila sa sala at nagpa tuloy sa pag uusap. "Oh my God! ka

