"Hi, baby damulag ko". agad na pag bati ni Cyrus ng makita nito ang dalagitang si Peridot, na siyang ikinasimangot agad ng mukha nito sabay labas ng dila at tinaas ang kamay at nag fvck you sign kay Cyrus. nakita iyon ni Diamond at Ruby kaya ganon nalang ang pag laki ng mga mata ng dalawa, napa buka pa ng bahagya ang bibig ng mga ito sa gulat. nahiya bigla si Diamond sa inasta ng kapatid. "Bakit ang sungit-sungit naman ng baby damulag ko na iyan". ani Cyrus sabay lapit kay Peridot at inakbayan ito. "Babyhin mo mukha mong ulopong ka". pagmamaldita pa nito, ngunit hindi iyon pinansin ni Cyrus bagkos ay natutuwa ito sa pang aasar kay Peridot. "Lumayo layo ka nga kuya Cyrus ang gulo mo, pag ako mainis saiyo...." hindi na naituloy ni Peridot ang sasabihin, nawalan ito ng masasabi, ewan rin b

