KABANATA 70: ESPIYA

2857 Words

Muli akong napalunok ng laway sa narinig na tinuran ni Joaquin. Parang nalulon ko ang dila ko at hindi ako naka-imik. Dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa ga-dangkal na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Hindi sumagi sa isip ko ang pagkontra, gusto kong magpatangay sa nangyayari at ipikit na lamang ang mga mata ko at namnamin ang kanina ko pa pinagpapantasyahang labi ni Joaquin. Akma na sana akong pipikit ng sa gilid ng mga mata ko ay maaninag ko ang bulto ni Andres 'di kalayuan sa bahay namin! Biglang sumalsal ang kakaibang kaba sa dibdib ko, tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Naitulak ko ng hindi sinasadya si Joaquin habang pilit na pinakakalma ang aking sarili. Maliwanag sa akin na ang kaba na iyon ay dulot ng takot. Nakayuko man ay ramdam ko ang mga tit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD