"Son!" Masayang bulalas ni Dad habang sinasalubong kami ni Rosana. Magiliw naman akong yumakap sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa amin. "And finally, Rosana! Welcome to our family." Bungad niya rin kay Rosana bago din ito niyakap. "Dad, isang linggo lang naman kami nawala, ah?" Nagtatakang tanong ko. Napansin ko kasi ang kakaibang saya sa labi niya gayundin ang ningning sa kanyang mga mata. "Ito namang unico hijo ko, hindi ba puwedeng na-miss lang talaga kita?" "I miss you rin naman, Dad pero hindi ko yun masyadong ramdam kasi kasama ko si Rosana." Nilingon ko pa si Rosana na noo'y tahimik lang na nakikinig sa amin ni Dad. Kinurot niya ako nang palihim bilang tanda ng pagsasaway. "I know. Alam ko naman yun." Nakangiti pa ring saad niya. "Kumusta naman, Hija? Inalaagaan ka ba nan

