"How's my father?" Nag-aalalang tanong ni Joaquin sa doctor ng kanyang ama. "It's been a month and a half since he was admitted. Wala pa rin bang signs na anytime ay puwede na siyang gumising?" Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ang doctor saka malungkot na tumingin sa kanya. "Ang maipapayo ko na lang sa'yo, Joaquin. Keep on praying. Masyadong naapektuhan ang puso ng Dad mo sa lason na naipapainom sa kanya. Walang himala kung mananalig ka. I'll go ahead. May ilang pasyente pa ring naghihintay sa akin." Tinapik pa nito ang balikat ni Joaquin bago tuluyang iniwan sa kwartong iyon. Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ni Joaquin ng mga sandaling iyon. Gusto niyang sugurin sa kulungan si Estrella at pagsalitaan ng masasakit. Hindi niya matanggap na sa kabila ng mga ginaw

