Naalimpungatan ako sa marahang paggalaw ni Rosana sa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata nang bahagya saka sinipat ang oras sa aking braso. Alas nuebe na ng umaga. Kasunod noon ay tinapunan ko naman ng tingin si Rosana. Nahihimbing pa rin siya. Nakatikod siya sa akin habang nakaunan pa rin sa braso ko. Nangiti ako at saka nagpasyang manatili muna sa tabi niya. Niyakap ko siya at dinampian ng mumunting halik sa balikat. Umungot siya pero lalo pang nagsiksik sa dibdib ko. Ang pang-upo niya ay halos dumikit na rin sa hinaharap ko. Alam kong kapag ganitong umaga ay normal lang na buhay iyon pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Tila naghahanap kasi iyon ng masarap na morning breakfast pero nahihiya naman ako kay Rosana. Baka hindi niya magustuhan ang ganoong gawain sa umaga lalo at antok pa

