UMALINGAWNGAW ang malakas na tawa ni Juliet pagkatapos ng isang joke mula kay Magus. Mabilis na tinakpan ng binata ang bibig niya habang nagpipigil din ito ng tawa. “Ano ka ba? Huwag kang tumawa ng malakas – hik. Makakaistorbo tayo sha mga natutulog.” Natatawa ring sabi nito. Maging ang mga mata nito ay nakangiti. Humagikgik siya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya at siya ang nag-alis niyon. “E kasi naman. Nakakatawa ka.” “Bakit naman nakakatawa ako? Sinasabi ko lang naman ang tungkol sa ginawa mong pagrampa kanina. Akala mo naman sasali ka sa Miss Universe kung makakaway at maka-pose ka.” Nasa tinig din nito ang pagbibiro. Kasunod ay dumighay ito. Napabungisngis nanaman siya. “Kaya nga ako natatawa kasi napanood mo ako. Nahihiya ako pero ang kapal ng mukha ko a

