MAGDADALAWANG linggo na si Juliet sa hasyenda ni Magus subalit wala pa ring pagbabago sa ipinapakitang ugali ng binata sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap habang nasa harap ng halo-halo ay hindi na nga siya nagbiro rito o gumawa ng kahit anong bagay na maaari nitong ikainis o ikagalit sa kanya. Kung tutuusin ay puwede rin naman niyang gawin ang sinasabi nito. Umalis nalang siya roon at bumalik ng Maynila. Pero tama rin ang sinabi nitong baka nakaabang lang sa kanya si Beverly sa labas. Isa pa, hindi na siya magiging ligtas kung babalik siya ng Maynila. Baka nga hindi na siya makabalik sa trabaho dahil ilang araw na siyang wala. Ni hindi niya magawang tawagan ang kaibigang si Iza. Kaya naman nagpakabait nalang siya. Lalo na sa harap ni Mr. Ice Cold Man. Kapag hindi siya nito kinakausap a

