KYLIE ANNE’S POV** “Kyler!” Napalingon kami sa matinis na boses ni Sam. Natutuwa akong makita siya ngayon, gumaling na ang mga pasa niya. “Hailey!” Lumapit naman si Kyler kay Sam. Nagulat pa ang anak ko ng bigla siyang yakapin ni Sam. Napangiti na lang kaming mag-asawa sa dalawang bata. “Welcome home, Sam. ‘Wag kang mahihiya, feel at home.” Masayang sabi ko kay Sam nang makarating na kami sa bahay. Hindi na rin nagpahinga si Sam at agad na nakipaglaro kay Kyler sa garden. Parang siyang nakalaya sa matagal na pagkakakulong. Masaya rin naman nakipag-laro sa kaniya si Kyler at napapansin ko na maingat kay Sam ang anak ko. Yung tipong alerto lagi si Kyler kapag parang madadapa o matatalisod si Sam, kapag may gusto itong abutin, inuunahan na siya ni Kyler. Noong naghapunan kami, ipinaghimay

