Habang patagal ng patagal ay humuhupa na ang issue at nalalayo narin ang pangalan ni Theo saakin. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanila ni Xena dahil ni isa sa mga interview or kahit ano na tungkol sa kanila ay hindi ko na pinapakialaman, o pinapanood. [May shoot kayo mamaya,] biglang sabi ni Miss Hani over the phone "For?" kunot noong tanong ko [First movie project niyo ni Sir Simon,] para lang kaming magbarkada kung mag-usap ni Miss Hani dahil ayaw ko rin ng masyadong formal dahil medyo nakakailang din minsan Hanggang ngayon ay minsan nakakalimutan ko parin na si Simon pala ang ceo ng infinite. Baliw na yun hindi nalang sinabi nalang kagaad at sa ganong paraan ko pa nalaman kaya pala ang dami niyang alam at kaya pala ang bilis ko lang nakapasok sa kumpanya dati. "Okay, thank

