Matapos ang ilang Islands ay pabalik na rin kami ngayon sa resort na pinagcheck inan namin "That was sooo fun!" tuwang tuwang sabi ni Rietta habang nakatayo sa gilid at nakatingin sa pinanggalingan namin Yes it is! Sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ilang oras na pag-iikot sa lahat ng Islands. Maaga pa ng umalis kami at ngayon ay tila papalubog na ang araw, palatandaan na ilang oras din ang inabot ng ginawa namin Tumayo ako sa gilid at ginayaan na hawiin ng hangin ang buhok ko habang nakatingin sa dagat. Sobrang lamig at refreshing ng simoy ng hangin, sobrang tahimik, walang ibang naririnig kung hindi ang huni ng mga ibon, ng kalikasan, ng alon. Sobrang peaceful. Bahagya akong pumikit at pinakiramdaman ang paligid "What are you thinking?" tanong ng boses mula sa liku

