Habang nakaupo sa kama ko ay nakita ko ang gitarang binigay saamin ni Theo noon at bigla kong naalala ang araw na iyon Third person's POV Nasa skwelaha ang magkakaibigan ng mga oras na iyon at kakatapos lang ng kanilang klase "Teka lang saan ba tayo pupunta?" tanong ni Agatha kay Irene na bigla nalang itong hinila. "Nag-aya si Matheo sa bahay nila para ipakita saatin yung bago niyang music room. Alam naman nun kung gaano tayo kahilig sa music magkakaibigan, hindi man natin sabihin" sagot ni Irene Halos mag dadalawang taon na ng maging magkakaibigan silang lahat pero masyaso na silang naging malapit sa isa't isa siguro ay dahil sa iba iba ang mga ito sa bawat isa kaya nagki-click sila dahil tila ba kinukumpleto nila ang bawat isa, iyong kulang sa isa na mayroon naman sa isa. Par

